Advertisers
Ni Beth Gelena
THIRD wedding anniversary ni Barbie Hsu at ng musician husband niyang si DJ Koo.
Nag-post sa pagdiriwang ng wedding anniversary nila ni Barbie ang mister.
Pumanaw ang Taiwanese actress na si Barbie o San Cai bago pa man ang ikatlong anibersaryo ng kanyang kasal kay DJ Koo.
Nagparehistro ng kasal ang mag-asawa sa South Korea noong 8 Pebrero 2022.
Nagpahayag si DJ Koo ng kalungkutan sa social media at nag-post ng mensaheng Koreano na “??? ???” na nangangahulugang “I will love you forever.”
Labis na nagdadalamhati ang pamilya, mga kaibigan, at tagahanga sa biglaang pagpanaw ng Taiwanese actress.
***
VICE Ganda may reaksyon sa tanong tungkol sa “matching tattoo.”
Sa It’s Showtime nitong Sabado ay weekly finals ng segment nilang Sexy Babe.
May question para sa mga contestant.
Nang mabasa ni Meme Vice ay nagreak siya.
Babasahin na lang niya ang tanong nang bigla niyang sinabi, “Aayy! Jusko, very current. Very ano ito, very controversial na issue. Lately, I have been reading about this issue,” ani Meme Vice.
Binasa niya ng malakas ang tanong, “Ano ang gagawin mo kung nagpa-matching tattoo ang boyfriend mo at yung girl best friend niya? Yung boyfriend mo may girl best friend, tapos nagulat ka na lang, gumising ka isang araw eh nagpa-matching tattoo sila.”
Umani agad ng libu-libong reaksyon ang mga netizens.
Ang ‘matching tattoo’ na tinutukoy sa tanong ay ang mainit na isyu ngayon sa pagitan ni Andi Eigenmann at live in partner nitong international surfer na si Philmar Alipayo.
May cryptic post kasi si Andi na matching tattoo kung saab binetray umano siya ng isang kaibigan.
Aniya, “She didn’t honor my side by choosing to celebrate her and my husband’s love for each other because the day after our fight, she inserted herself in the situation by encouraging him to go for a spontaneous love couple tattoo together.”
Ang daming nagkomento sa Facebook Page ni Vice na sagot sa kanyang tanong, pero para kay Andi.
‘Walang respeto si boy sa kanyang wife. Wag kana mgtiis andi! Iwanan mo na yan di nmn yan kagwapohan oi!”
“Kadalasan talaga yang mga “girl best friend” tsk di rin alam ang boundaries hahahaha…tas yung guy naman papogi…minsan mas unahin pa maka bonding ang “best friend raw” kesa sa jowa… naku girls iwan nyo pag ganyan”
“True break up ..walang respeto sa karelasyun .. 4ever ang tattoo…parang naglolokohan nalang kayo kung tatanggapin mo pa …walang respeto sayo Yung babae best friend pati Yung boyfriend mo mismo …”
“Bat mag tiis Ang babae Kong Ganon break agad Lalo may naramdaman ka nang kakaiba sa dalawa Kaysa mag tiis ka ikaw Ang kawawa isa mabuhay ka Kong walang kwintang lalaki na Yan hnd kawalan sa buhay mo.”
“Iwanan mo tapos magpaganda ka ipakita mo na kaya mo kahit Wala Siya..bakit Siya lang ba Yun lalake sa mundo Malay mo makakatagpo ka pa ng mas higit pa sa kanya diba…kaya huwag magtitiwala ng buong buo sa bestfriend kasi karamihan nasa bestfriend Ang ahas Wala sa gubat”