Advertisers

Advertisers

Campaign period para sa Senador at party-list simula ngayon

0 8

Advertisers

ALL-SET na ang Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng campaign period ngayong Martes, Pebrero 11, para sa Senate at party-list seats sa darating na 2025 midterm elections.

Pahayag ni PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, bago pa man ang pagsisimula ng campaign period ay may nakalatag nang seguridad upang tiyakin ang ligtas at maayos na pangangampanya.

Matatandaang noong nakaraang linggo, inilunsad ng PNP ang 100-day security plan para sa halalan, kung saan tiniyak ang security coverage sa inaasahang pagdagsa ng mga kandidato sa Luzon, Visayas at Mindanao.



Ayon pa kay Fajardo, magdadagdag din sila ng mga tauhan sa engagement areas upang mapanatili ang kaayusan.

May koordinasyon na rin sa pagitan ng PNP at ng mga kandidato para matiyak na may sapat na crowd security at close-in security sa bawat campaign sortie.