Advertisers

Advertisers

Eskuelahan sa Maynila nasunog!

0 248

Advertisers

SUMIKLAB ang sunog sa isang gusali ng pampublikong paaralan sa Lungsod ng Maynila nitong Linggo ng umaga.
Sa ulat, 7:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa record section ng Florentino Torres High School sa Gagalangin, Tondo, Manila.
Agad namang nakapagresponde ang ilang fire volunteers kaya naagapan ang paglaki ng sunog sa paaralan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Manila Fire Department sa sanhi ng sunog, na hinihinalang faulty electrical wiring. (Jocelyn Dumenden)