Advertisers

Advertisers

KONSEHAL NAGKAGUTAY- GUTAY SA VINTAGE BOMB

0 15

Advertisers

NAGKAGUTAY-GUTAY ang katawan ng isang barangay councilor at sugatan ang helper nito nang sumabog ang nahukay nilang vintage bomb nang kanilang kalikutin sa Barangay Almaguer South, Bambang, Nueva Vizcaya noong Sabado.

Sa report ng Nueva Vizcaya Polie, kaagad nasawi si alyas Johnny, 42 anyos, kagawad ng Brgy. Baan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Base sa imbestigasyon, sinabi ni Captain Julius Abon, deputy chief ng Bambang Municipal Police Station (MPS), nahukay ang vintage bomb ni Johnny at ng kaniyang helper sa site ng kanilang proyekto sa Brgy. San Antonio North, Bambang.



Dinala ng mga biktima ang vintage bomb sa isang bahay sa lugar upang i-dismantle. At habang pilit na kinakalikot ng kagawad ang lumang eksplosibo ay sumabog ito.

Nagsasawa pa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa insidente.