Advertisers

Advertisers

Simula na ng opisyal na kampanya para sa Senador

0 3,082

Advertisers

PAGSAPIT ng hating-gabi ngayon ay opisyal nang lalargahan ang kampanya para sa mga kandidatong Senador. Labingdalawa (12) lang ang ating pipiliin sa mga tumatakbo.

Asahan nang babandera ang mukha ng mga kandidato sa social media at mga tarpulin sa mga kalye. It’s good!!! makikilala natin, makikilatis at matitimbang ang mga kandidatong ito para makapili tayo ng tama pagsapit ng halalan sa Mayo 12.

Halos lahat sa atin ay nakapag-aral narin naman, nakatapos ng elementarya, high school, senior high at colleges; may mga propisyonal na tulad ng duktor, titser, abogado, engineer, pulis at CPA. Kaya dapat marunong na tayo bumuto ng tama.



Oo! ‘wag na tayo maghalal ng mga kandidato na sikat dahil artista o atleta pero hindi naman akma para sa posisyon sa politika.

Ang trabahong senador ay paggawa ng mga batas. Dapat may dunong ito, isang propisyunal, hindi yung umaasa lang sa inuupahang mga tao para sa trabaho na dapat ay ito ang gumagawa.

Ang Senado ay hindi entertainment, dance floor, athletic fields o boxing arena. Seryosong trabaho po ito, mga pare’t mare. Dahil buong Republika ng Pilipinas ang kinakatawan ng Senador. Mismo!

Kung talagang gusto ng artistang o ng atletang kandidato na magserbisyo sa mamamayan, makabubuti na sa lokal nalang pumuwesto tulad ng mayor o gobernador.

Oo nga pala, ang trabaho ng isang kongresista o congressman/congresswoman ay katulad din ng sa senador, gumagawa ng mga batas, kinakatawan ang kanyang distrito o lalawigan. Kaya dapat ay propisyunal din ang ipuwesto tulad ng abogado at certified public accountant (CPA).



Kaya mga pare’t mare, kilalaning maige ang mga kandidato sa pagka-kongresista at senador, ‘wag nang maghalal ng mga hindi akma sa posisyong ito. ‘Wag natin sayangin ang tatlong taon sa kandidatong wala naman talagang alam sa trabahong mambabatas, masasayang lang ang pasueldo natin sa kanila. Okey?

***

HUMINGI ng sorry si Senador “Bato” Dela Rosa sa bell’s palsy victim, Akbayan Party-list Representative Perci Cendana, matapos niyang pagsabihang sasapakin ang kabilang pisngi para pumantay ang ngiwi nitong mukha.

Sabi ni Bato, nadala lang daw siya ng kanyang emotion kaya niya nasabi yun matapos magsalita si Cendana laban kay VP Sara Duterte-Carpio.

Ganito naman si Bato eh, pabigla-bigla kung maglabas ng statement, ubod ng yabang, tapos ‘pag binatikos ng netizens…hihingi lang ng sorry. Katulad lang din siya ng kanyang mga among Duterte, na kahit malinaw pa sa bolang kristal ang mga ebidensiya ng kalokohan o katiwalian ay magso-sorry lang o todo deny parin.

Si Bato ay hindi senador ng Pilipinas kundi ng mga Duterte lamang. Hindi na ito dapat ibalik pa sa Senado. Oo! Sa loob ng anim na taon ay wala itong nagawang batas, puros kagagohan lang ang ginawa niya sa Senado. Sayang ang public fund na ipagkatiwala sa taong ito. Mismo!

Again, mga pare’t mare… kilalanin at piliing mabuti ang mga kandidatong Senador. May 90 days tayo mula ngayon para kilatisin ang mga kandidato. God bless sa ating lahat…