Advertisers
REPORT KO LANG SA KAGAWARAN NG SENIOR CITIZEN KUNG PAPAANO ANG SISTEMA SA PAGSASAAYOS SA COMPUTER NG MGA PANGALAN NG NAG-CLAIM NG SOCIAL PENSION? SA PANGYAYARING TATLONG 3 BESES KAY GINANG ANDRESA LIGA BASCO NG LOT 7 BLK. 35, PALAY ST., BARANGAY TUMANA, MARIKINA, AY TUWING ARAW O BUWAN NG PAGKUHA NG KANYANG SOCIAL PENSION NG SENIOR, LAGI NALANG NALILIGAW ANG PANGALAN NI GINANG ANDRESA L BASCO. BAKIT BULAG BA ANG EVALUATOR?, NAG MAMADALI AT WALA SA AYOS ANG TRABAHO. NAPAKARAMING VOLUNTER O CLUASTER NG SENIOR CITIZEN ANG MARIKINA. KAYA PAKIUSAP SA TAGA -OSCA MARIKINA, PAKI AYOS NAMAN ANG INYONG TRABAHO . – SR CITIZEN
Sakudo sa anibersaryo ng AFP
Saludo sa AFP sa kanilang nalalapit na anibersaryo. Hindi naging madali ang taong ito para sa mga sundalo dahil sa sunod-sunod na pagsubok na hinarap ng ating bansa, subalit hindi sila nagpatinag at buo ang loob na sinuong at tinanggap ang misyon na iniatang sa kanila. Hindi inalintana ang panganib bulkan, bagyo, covid19 man na mismong sariling kapakanan makapagsilbi lang sa bayan. Idagdag pa ang mga pasaway na kritiko at maka-kaliwa na nagdudulot ng dagdag na suliranin sa kapayaan ng bansa sa halip na tumulong pumuksa sa teroristang CPP-NPA-NDF
Reklamo vs PO2 Portesa
ng MPD-PCP Soler
Gud morning. Talagang makakapal ang mukha ng mga pulis ng Soler outpost (MPD-PCP). Pinaghuhuli ang mga taong walang face shield at kinukuha nila ang mga ID nito. Ang iba naman yung mga nakamotorsiklo tinitikan agad, utos ni PO2 Macoy Portesa. Eh ang alam namin ay hindi huhuliin o hindi aarestuhin dahil yan ang utos mismo ni Gen. Sinas. Eh bakit inaaresto parin nila? Ang iligal na pinaggagawa nila di nila makita, pero yung kamalian ng ibang tao kita nila. – Concerned citizen