Advertisers
Tama ang inyong nabasa – ang huwag balewalain o isnabin ang pagbaba ng krimen sa Lungsod Quezon. Sino ang may sabi? Hindi tayo, lalong hindi ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) at sa halip, si Napolcom Commissioner Rafael Calinisan.
Hindi lang ang huwag balewain ang malaking tagumpay ng QCPD na pinamumunuan ni PCol. Melecio M Buslig Jr. at sa halip, pinuri pa ni Comm. Calinisan ang pulisya sa kampanya nito laban sa kriminalidad na nagresulta sa pagbaba ng krimen sa Lungsod.
Katunayan nga e, patuloy pa ang pagbaba ng krimen sa QC dahil sa walang humpay kampanya laban sa kriminalidad bunga ng pagpapatupad ni PCol. Buslig sa direktiba nina PNP Chief, Rommel Francisco D Marbil at NCRPO Acting Regional Director, PBrig. Gen. Anthony A Aberin kaugnay sa mga programa ng PNP – ang ABLE, ACTIVE, at ALLIED.
At siyempre, higit sa lahat ay pinapurihan ni Comm. Calinisan si QC Mayor Joy Belmonte sa hindi matatawaran suporta ng alkalde o ng Local Government Unit (LGU) sa QCPD partikular na ang logistic at moral support.
Kung susuriin ang pahayag ni Comm. Calinisan sa pagsasabing, huwag balewalain ang trabaho ng QCPD, tila’y sinasabi ng Komisyoner sa pamunuan ng PNP na- pag-aralan at ikonsidera ang estratehiya ng QCPD kaugnay sa giyera nito sa kriminaldad dahilan para mapababa at patuloy ang pagbaba ng krimen sa lungsod.
Tila sinasabi pa ni Calinisan na sa pagkonsidera sa estratehiya ng QCPD na pag-aralan ang lahat ay kung maaaring iimplementa ito sa lahat ng distrito ng pulisya sa Metro Manila upang hindi lang sa QC ang magpapatuloy ang pagbaba ng krimen kung hindi sa buong Metro Manila.
Take note ha, heto ang sabi ni Comm. Calinisan… crime reduction achieved by the Quezon City is very significant and should not go unnoticed” for its exemplary efforts in ensuring the safety and security of their respective jurisdiction.
“This achievement is a testament to the unwavering commitment and strong ties between the LGU, and the Police Force in protecting the citizens and creating a safer environment for everyone,” pahayag ni Calinisan.
Ang datos na pinagbasehan ni Comm. Calinisan ay ang accomplishment ng QCPD para sa taong 2024 kung saan makikitang malaki ang ibinaba ng krimen bilang resulta ng epektibong estratehiya kampanya ng QCPD sa pamumuno ni Buslig Jr..
Sa ulat na nakarating kay Comm. Calinisan, bumaba ang krimen ng 21.97 porsiyento para sa overall crime incident kompara sa taong 2023.
Partikular na bumaba na krimen ay ang physical injuries, rape, theft, at robbery kung saan sa unang apat na buwan ni Col. Buslig bilang Acting District Director ay bumaba ang krimen ng 14% sa kabuuan lalo na sa sinasabing major focus crimes – ang murder bumaba ng 29.41%, physical injuries ng 52%, rape ng 36%, robbery ng 17%, at theft ng 9%. Ang lahat ay bunga ng dedikasyon ni Col. Buslig o ng QCPD sa kabuoan sa paglingkod sa QCitizen para sa kanilang seguridad.
“It reflects their hard work, dedication, and collaboration with the community. I extend my heartfelt gratitude to every police officer who contributed to this success. This milestone serves as both a celebration of success and a reminder of the collective responsibility to sustain peace and order. Nagpapasalamat ako kay Col. Buslig for a job well done,” diin pa ni Calinisan.
Congratulations Col. Buslig, sampu ng iyong mga opisyal at tauhan sa pagtitiyak sa seguridad ng milyong QCitizen…at siyempre, saludo din tayo kay Mayor Joy Belmonte sa hindi matatawaran pagsuporta niya sa QCPD para mapababa ang krimen sa lungsod.
So, kung susuriin pa natin ang pagpuna at pagpuri ni Comm. Calinisan sa matagumpay na trabaho ng QCPD kaya patuloy sa pagbaba ng krimen sa lungsod – may isa pang ibig sabihin nito. Ano?! E di ibaba na ang promotion – FIRST STAR “BRIG. GENERAL” ni Col. Buslig.