Advertisers
NAUBUSAN ng lakas si EJ Obiena at nagtapos na pang pito sa ISTAF Indoor tournament sa PSD Bank Dome sa Dusseldorf, Germany Linggo Pebrero 9, Lunes ng umaga oras sa Pilipinas.
Matapos makamit ang gintong medalya sa Meeting Metz Moselle Athletor sa France, hindi na panateli ng world No.4 Obiena ang momentum at nagtala 5.55 meters sa eight-player field.
Local bet Torben Blech ang naghari sa tournament matapos malundag ang bar sa 5.80m, habang ang American Sam Kendricks ang nagbulsa ng silver sa taas na 5.70m.
Turkey’s Ersu Sasma pomuste rin ng 5.70m, pero nagkasya sa bronze via countback.
Agad nagpunta si Obiena sa 5.55m matapos laktawan ang opening height na 5.30m at 5.45m. matapos maareglo ang kaunting trouble, nalagpasan ang 5.65m at 5.75m at sinubukan ang 5.75m pero walang nangyari.
Iba pang German Bo Kanda Lita Baehre, United States’ Austin Miller at local bet Oleg Zernikel nagtapos ng 5.65m para sa fourth to sixth places, ayon sa pagkakasunod. habang ang China’s Huang Bokai ay hindi nagkapag rehistro ng kahit anong marka matapos ang unsuccessful attempts sa kanyang opening height na 5.45m.