Advertisers
Ni BETH GELENA
FLINEX ni Lyca Gairanod ang bago niyang kotse.
Ibinahagi niya sa kanyang followers ang bago niyang milestone.
Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat siya sa bagong achievement na natanggap.
In capital letters ang kanyang pasasalamat, “MY SECOND BABY THANK YOU PAPA”
Don’t get Lyca wrong, ang tinutukoy niya ay si Papa God.
Nagpasalamat siya sa blessings na kanyang natanggap.
Binati siya ng kanyang fans; “congrats Lyca, u deserved it po.” “Congrats @lycagairanod.1 I’m happy for you, more blessings to come”
“wow, congratulations lycaaaa, my idol, my inspiration!!” “Desurv” “Congrats po Ate ko”
Ang layo na nga ng narating ni Lyca, ang babaeng namumulot lang ng basura noong bata pa siya.
Nagtitinda rin siya ng basura habang kumakanta at doon nadiskubre na may ibubuga siya sa pagkanta.
Isinali siya sa The Voice Kids at siya ang first grand champion.
Ginawang ehemplo ng mga batang may pangarap ang naging buhay ng singer.
***
PHILMAR AT ANDI VIRAL SA SOCIAL MEDIA
VIRAL sa social media ang hiwalayan umano nina Philmar Alipayo at Andi Eigennman.
Naka-unfollow na rin umano sila sa kanilang social media.
Sa kanyang IG page ay may cryptic post ang international surfer.
“Kon ono may galing ijo mga nabasahan koman tinood jaon. Waya naj tagoay kay mas malisod. (Kung ano man ang iyong nabasa, yun ay totoo. Huwag itago dahil mas mahirap).”
Sinundan pa niya ito ng “Kilaya man kamo kun ono ako na pagka tawo. So segoro kilaya sab kamo kon ono cja. Dili na nato taason an tanan. (Kilala niyo naman ako kung ano pagkatao ko, so siguro, kilala niyo rin siya kung ano siya”).
Ang pagsasalita ba nitong si Philmar ay pag-amin na hiwalay na sila ng aktres.
Nirepost ng netizens sa social media ang cryptic message sa photo application.
At doon na rin nila na notice na hindi na naka-follow ang celebrity couple.
Napatotohanan nilang unfollow na ang dalawa nang mabasa naman ang post ni Andi about a ‘wolf in sheep’s clothing’ on the app.
Engaged na sina Andi at Philmar nung 2020 at may dalawa nang anak, sina Lilo at Koala.
Napostpone ang kasal nila dahil namatay ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose.
***
SA bagong post naman ni Andi Eigenmann, may bagong cryptic post din siya na “She was already a friend before I came into the picture.”
Hindi naman tinukoy ni Andi kung sino ang kaibigan.
Una nang may sunud-sunod na post ang aktres plus news about her and her partner Philmar unfollowing each other came out.
Sa kanyang recent post, sinabi niyang she took it personally because she would not have done it to someone whom she did not mention at all.
Esplika pa niya may nakikita na siyang red flags at na notice niyang ang girl ay kaibigan pa nila bago umeksena sa picture.