Advertisers

Advertisers

Bianca hiniling na mas malaki ang billing kay Nora sa pelikula; KimPau ‘di na mapaghiwalay

0 30

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MAY billing issue pala sa pelikulang pinagsamahan nina Nora Aunor at Bianca Umali. Ang sabi-sabi, nag-request umano ang huli na dapat daw ay mas malaki ang billing niya kesa sa una sa poster at iba pang promo materials ng kanilang pelikula.

Nang tanungin si Bianca ng isang reporter tungkol dito, ang sabi niya na halatang napikon, “I am shocked by your question po, but I would like to handle it as professional as possible.



“I believe po the question is in-appropriate for the event and also… hindi ko po alam kung ano ang nararamdaman ko because that is…I do not have any idea about that.

“And I am worried about how people in this room might take it, hearing it from the representative from the press.”

Nilinaw naman agad ng nagtanong na nais lamang niyang makuha ang side ni Bianca hinggil sa isyu para na rin maipagtanggol niya ang sarili at hindi na lumala pa ang intriga.

Ayon sa reporter, una niyang sinabi kay Tracy Garcia, ang talent manager ni Bianca mula sa Sparkle GMA Artists Center, ang tungkol sa billing issue.

“What I am after is maging malinaw, kasi kanina nilinaw na ni Tracy. Kasi nu’ng Monday, may kumakalat na ganyang isyu. So, sabi niya, tanungin daw si Direk (Adolf Alix-direktor ng pelikula).



“Tapos kanina, tinanong ko si Tracy, sabi ni Tracy mismo, ‘That’s not true. Hindi namin pinapapalitan. Yes, we requested na medyo lakihan. So, yun nga, medyo nilakihan nga siya,’” aniya pa.

Reaksyon naman ni Bianca, “Pasensiya na po, pero I would just like to clarify also na the opportunity to work with the Superstar, with our National Artist, is already a blessing.

“And it is an opportunity that I already knew na hindi ko po palalampasin. Being with her on set was a masterclass for me and was a dream I never thought I would achieve this early in my career.

“Kaya po yung makasama si Miss Nora is already enough,” paliwanag pa ng girlfriend ni Ruru Madrid.

Dugtong pa ng aktres, “Ako, bilang isang aktor and the love that I have for my craft, and the respect I have for myself and the industry, billing is not really… it’s a bonus.

“It is something …I don’t know internally, but ito pong question is something that I am not aware about and bonus na lang po yun.

“It is a recognition as to how people see and respect the way I do my work. Pero dito po sa pelikulang ito na Mananambal, napakatagal ko pong panahon na hinintay itong maipalabas dahil pinaghirapan po naming lahat ito.

“At marami pong pinagdaanan ang pelikulang ito. At ang maipalabas po ito at makita, lalo na po na ito ang pagbabalik-pelikula ni Miss Nora Aunor, is all that matters. Maraming salamat po,” sabi pa ni Bianca.

***

MUKHA yatang hindi na mapaghihiwalay sina Kim Chiu at Paulo Avelino, huh! Lagi pa rin silang spotted na magkasama kahit tapos na ang shooting ng kanilang launching movie bilang loveteam titled My Love Will Make You Disappear mula sa Star Cinema.

Noong Sunday ng umaga, nakita na sabay nag-jogging sina Kim at Paulo sa Ayala. Talagang ang bonding nila ay mag-gym at mag-jogging. Kaya naman talagang physically fit ang dalawa.

Sa madalas na pagsasama ng KimPau, mula pa nu’ng una silang mag-partner sa seryeng Linlang, na sinundan ng What’s Wrong With Secretary Kim at ngayon ay sa pelikulang MLWMYD, siguradong sobrang malapit na talaga sa isa’t isa ang dalawa at base sa mga kilos at galaw nila, mukhang may something na sa kanila.

Kitang-kita kasi ang saya ‘pag magkasama sila. At laging tinutukso si Kim ng mga co-hosts niya sa It’s Showtime lalo na ni Vice Ganda. Siguradong may alam sila sa tunay na status ng relasyon ng KimPau.

Well, kelan nga kaya aamin ang KimPau?

Anyways, showing na ang My Love Will Make You Disappear sa March 26. Sigurado kaming magiging blockbuster ito. Wanna bet?

May pa-block screening nga pala ang KimPau United na sina ate Carmen Dolalas at Janet Damaso para sa MLWMYD sa mismong showing nito sa March 26 na gagawin sa Trinoma Cinema 1 at 1:30pm. Kung sino ang may gustong bumili ng tickets, mag-text o tumawag lang sa 09954432503.