Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
SA katatapos lamang na Miss Supermodel Worldwide Philippines 2025 ay humakot ng special awards ang kandidata ng Quezon City na si Charyzah Barbara Esparrago.
Labingdalawa ang napanalunang special awards ni Charyzah at ito ay ang Supermodel Best Speaker, Darling of the Press, Runway Supermodel, Miss Wacoal, Miss IGEM Crystals, Miss House of Pia Mondo, Miss Golds Gym, Miss S5 Supermodel, Miss Charity, Best in Swimsuit, Best in Evening Gown, at Best in Filipiniana.
At sa pagtatapos ng gabi kung saan labingtatlong kandidata ang nakalaban niya, si Charyzah ang kinoronahan bilang Miss Supermodel Worldwide Philippines 2025.
Ang international edition ng Miss Supermodel Worldwide ay dito gagawin sa Pilipinas sometime this year.
Ang reigning Miss Supermodel Worldwide ay isang Pilipina, si Thea Judinelle Casuncad ng Laguna; may pressure ba kay Charyzah na makapag-back-to-back win ang ating bansa?
“Thea is such a wonderful model. So these are really big footsteps to follow.
“It’s a lot of pressure but that pressure will make me work harder, train more, and hopefully do my best on that stage to bag that crown,” nakangiting sinabi pa ni Charyzah.
Nag-aral ng kursong Communications Research si Charyzah sa University of the Philippines (UP) sa Diliman,
Ipinanganak sa Pilipinas, dalawang taong gulang si Charyzah noong manirahan sila ng kanyang pamilya sa Chicago, bumalik sila sa Pilipinas noong 17 years old na siya kaya Ingglesera si Charyzah at kabogera sa question and answer portion.
Samantala, ang mga iba pang nagwagi sa gabing iyon ay sina Miss Teen Supermodel Worldwide Philippines 2025 Angel Nocidal Laure (Antipolo City), first runner-up Mher Karizze Narciso (Makati City), second runner-up Doreen Ahuja Pasay City), at third runner-up Ailliza Patricia Juare (San Jose del Monte Bulacan).
***
NILINAW namin kay Pepe Herrera kung totoong nagalit ang ama niya dahil gumanap siya bilang si Satanas sa Viva Films movie na Sampung Utos Kay Josh.
Ani Pepe, “Hindi naman po siya yata nagalit kasi po hindi naman siya sumigaw, parang nagtampo yata.
“Kasi meron po kaming parehas na paniniwala, meron din po pagkakaiba, kaya minsan we just agree to disagree with respect.”
Masama ba talaga ang role niya?
“Malibog, malibog po siya!”
Hindi raw siya nagdalawang-isip na gampanan ang naturang papel.
“Hindi po. Hindi po ako nagdalawang-isip. Gusto niyo po bang malaman kung bakit?
“Kasi po bilang isang tao na namumuhay ayon sa palagay ko, gustong mangyari ng ating May likha para sa ating lahat, naniniwala po ako na kailangan bilang isang artista gampanan ko po ang buong sakop ng buhay at kabilang buhay.
“Para maunawaaan natin ng husto kung ano nga ba yung tama o mali, yung maitim sa puti, yung mainit sa malamig at alam niyo na po kung ano pa yung iba.”