Advertisers
Ni Oggie Medina
KASAMA ni Wendell Ramos ang pamilya sa kanyang bakasyon sa San Francisco, California.
Makikita sa kanyang mga video ang masasayang araw niya sa Bay Area. Isa na rito iyong naglalakad sila sa kahabaan ng Golden Gate Bridge. Di ka nakarating ng San Francisco kung wala kang kuha ng Golden Gate Bridge.
Kaya lang naabutan sila ng tag-ulan sa Bay Area kaya sa bahay lang sila madalas namalagi. Pero nang umaraw at bumuti ang panahon ay gumala na rin sila sa wakas.
***
MATAGAL din ako di nakapamasyal sa San Francisco. Naalala ko na nag-enjoy talaga ako sa paglilibot sa Bay Area. At di ko makakalimutan ang University of California Berkeley kung saan ko nainterbyu ang dating Dean Tom Goldstein ng Graduate School of Journalism (makapagtuturo rin ako rito).