Advertisers
ANG Philippine National Police (PNP), kabilang ang lahat ng Police Regional Offices (PROs), National Support Units (NSUs), PNP Corps of Officers, at PNPA Lakans, ay taos-pusong nagpapasalamat kay Pangulo Ferdinand R. Marcos, Jr. sa muling pagpapakita ng kanyang tiwala sa pamumuno ni PNP Chief, General Rommel Francisco D. Marbil, sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kanyang termino.
“This decision reflects the Commander-in-Chief’s firm commitment to strengthening law enforcement and upholding discipline, integrity, and accountability within the ranks of the PNP,” ayon sa pahayag na pirmado ng matataas na opisyal ng PNP.
“It further reinforces our dedication to serving and protecting the Filipino people with the highest standards of professionalism,” dagdag pa nito.
Binibigyang-diin ng PNP na sa loob ng sampung buwan na pamumuno ni Gen. Marbil ay malaki ang naging progreso ng organisasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.
Kabilang sa mga natamong tagumpay ay ang sumusunod:
Malaking pagbaba ng antas ng krimen sa pamamagitan ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad.
Mabilis at epektibong pagtugon sa mga lumilitaw na banta sa seguridad.
Mas pinatatag na pakikipagtulungan sa mga komunidad sa pamamagitan ng mas mataas na police visibility at aktibong pakikilahok.
“By embracing modern policing strategies and technological innovations, Gen. Marbil has greatly enhanced the PNP’s capability to address evolving security challenges, creating safer communities and a more resilient nation,” ayon pa sa pahayag.
Binigyang-diin din ng PNP ang mahalagang papel ni Gen. Marbil sa agenda ng administrasyong Marcos sa pampublikong seguridad.
“His steadfast commitment to the rule of law, coupled with his genuine concern for the welfare of both police personnel and the communities they serve, embodies the highest standards of leadership in public service,” saad ng PNP.
Bilang pagpapakita ng buong suporta kay Gen. Marbil, inihayag ng PNP: “Guided by his principle, ‘Sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!’, we remain resolute in our mission to safeguard the nation and preserve stability. With his continued leadership, the 235,000-strong PNP is poised to achieve even greater heights of excellence, ensuring a secure and harmonious environment for all Filipinos.”