Advertisers

Advertisers

‘Kasumpa-sumpa’ si ‘Bato’

0 2,758

Advertisers

KASUMPA-SUMPA si reelectionist Senador Ronald “Bato” Dela Rosa para sa mga PWD (person with dissabilities).

Bakit? Aba’y magbitiw ba naman ng mga brutal na salita laban sa isang party-list Representative na may kapansanan na kanyang sasapakin para raw pumantay ang tabingi nitong mukha.

Sinabi ni Bato kay Akbayan Part-list Rep. Perci Cendana, isang biktima ng ‘bell’s palsy’, na: “Yang mukha mo, sinapak nang ‘di natin alam kaya ngiwi. Lumapit ka nga rito kasi sasapakin kita sa kabilang mukha mo ara balanse.”



Sinabi ito ni Bato nang magkomento si Cendana sa mga naging statement ni Vice President Sara Duterte-Carpio laban sa mga kongresista na nag-impeach sa kanya sa Kamara.

Ang sagot naman ni Cendana sa “kasumpa-sumpang” pahayag ni Bato ay: “Sasapakin daw ako ng isang senador? Ang ‘tapang’ naman (niya). Sana ganyan din siya katapang laban sa China sa WPS (West Philippine Sea) at sa pagharap sa ICC (International Criminal Court). Baka naman iiyak na naman siya ng crocodile tears at kakaripas ng takbo, gaya ng pagtakbo niya sa hawak niyang paputok?”.

Si Cendana ay biktima ng mild stroke at naapektuhan ang kanyang pisngi, medyo ngumiwi. At ito ang napag-initan ni Senador Bato nang magreak sa naging statement ng kongresista laban sa mga pahayag ni VP Sara sa mga nag-impeach sa kanya.

Ang statement na ito ni Bato laban kay Cendana ay umani ng mga brutal na reaksyon at batikos mula sa mga PWD lalo sa mga biktima rin ng mild stroke.

Malaking kawalan sa boto ni Bato ang mga nanggalaiting PWDs. Malamang na sa kangkungan na pulutin sa Mayo 12 ang senador na ito na nahaharap sa kasong ‘Crimes Against Humanity’ sa ICC.



Tuldukan!

***

Pinalawig ni Pangulong “Bongbong” Marcos ang termino ng retireable Chief PNP na si General Rommel Francisco D. Marbil, Jr.

Si Marbil ay nakatakdang magretiro nitong Pebrero 7, sa kanyang ika-56 kaarawan, matapos ang 10 buwan na pagiging lider ng Philippine National Police (PNP).

Pero nagustuhan ni PBBM ang kanyang serbisyo. Kaya pinalawig pa ng 4 months, hanggang matapos ang eleksyon, ang termino ni Marbil. Ayos ah…

Pero ang pagpalawig sa terminong ito ni Gen. Marbil ay malaking epekto sa mga nakapila maging Chief PNP. Malamang na abutin narin sila ng retirement age at hindi na maitalaga pang ama ng pambansang pulisya. Mismo!

Congratulations, Gen. Marbil, Sir!!!

***

Lomobo pa ang bilang (240) ng mga mambabatas na pumirma sa pagpatalsik kay Vice President Sara. Mabibilang nalang ang daliri na kumampi sa kanya. Tsk tsk tsk…

Kung ang lahat ng kongresistang ito na pumirma para mapatalsik si VP Sara ay magtrabaho para matalo ang mga kandidatong kaalyado ng Duterte, malamang na sa kangkungan pulutin ang mga kandidatong senador ng Duterte.

Hindi malayong gawin ito ng naturang mga kongresista, ang maipanalo ang mga kandidatong senador na kapanalig ng Marcos. Ito’y upang makakuha ng sapat na bilang sa impeachment sa Senado.

Oo! Nasa mga kamay na kasi ng senador ang bola kung i-impeach si VP Sara.

Ang Senado ang tatayong Impeachment Court.