Advertisers

Advertisers

Gilas Pilipinas maglalaro ng 3 tune-up games sa Qatar

0 44

Advertisers

LILIPAD ang Gilas Pilipnas patungong Doha, Qatar sa Pebrero 13 para sa friendlies game bago harapin ang Chinese Taipei at New Zealand on the road sa Window 3 ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Ang Pilipinas ay qualified para sa quadrennial event na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia ngayon Agosto para sa pagkaroon ng 4-0 rekord sa Group B.

Ayon, kay coach Tim Cone, ang 3 tune-up games sa Doha at ang away games laban sa Chinese Taipei sa Pebrero 20 at ang Tall Blacks sa pebrero 23 ay pangkalahatang preparasyon para sa FIBA Asia Cup.



Doha ang mag host ng 20th FIBA World Cup sa 2027.

Makakaharap ng Gilas,ranked 34th sa FIBA rankings, ang No.92 Qatar sa Pebrero 15 (1:30 a.m.), No. 29 Lebanon sa Pebrero 15 (11 p.m.) at No. 38 Egypt sa Pebrero 17 sa 1:30 a.m. ( Manila time).

Hindi kabilang ang 7-foot-3 Sotto sa Gilas lineup matapos magdurusa ng left knee injury. Pinalitan siya ni Troy Rosario ng Barangay Ginebra San Miguel.

Sotto’s torn anterior cruciate ligament (ACL), na kanyang natamo sa panahon ng kanyang paglalaro sa Japan B.League team Koshigawa Alphas, ay naayos nakaraang Pebrero 2.

De La Salle standout Mason Amos ang pansamantalang papalit sa spot ni Gilas mainstay Japeth Aguilar, na hindi rin makakasama sa Doha games.



Sinabi ni Gilas Pilipinas Program Director at Team Manager Alfrancis Chua na ang Qatar games ay isang opurtunidad para mag training para sa Qualifiers at simulang gumawa ng adjustments habang si Sotto ay hindi maglaro sa Asia Cup.

Ang Cypriot-born Edu ay galing sa knee injury habang si Malonzo ay kababalik lang kamakailan mula sa calf injury na natamo noong Abril.

Sa FIBA Asia Cup Qualifiers, Giniba ng Gilas ang Hong Kong, 94-64, on the road bago winasak ang Chinese Taipei, 106-53 at home.

Sa second window, Pinadapa ng Gilas ang New Zealand, 93-89, at Hong Kong, 93-54, parehong sa tahanan.