Advertisers
BINAON ni Paolo Banchero ang game-winning jump shot sa 25.3 segundong nalalabi upang pamunuan ang host Orlando Magic sa come-from-behind 112-111 wagi laban sa San Antonio Spurs Sabado ng gabi sa Kia Center.
Pinamunuan ni Franz Wagner ang opensiba ng Magic sa iniskor na 33 points on 14-of-28 shooting at sinahogan ng 12 rebounds, at five assists.
Banchero nagtapos ng 17 points,siyam ay galing sa fourth quarter.Ang kanilang panalo sa Sabado ay pang-apat sa 12 games simula ng bumalik si Banchero.
Devin Vassell umiskor ng 25 points on 11-of-14 shooting para pamunuan ang Spurs,habang si Victor Wembanyama nagdagdag ng 18 points,nine rbounds at four blocks.
Harrison Barnes umiskor ng 21 points at humatak ng eight rebounds,habang ang bagong acquired De’Aaron Fox nagdagdag ng nine points on 3-of-11 shooting sa kanyang ikatlong laro sa team.