Advertisers
Nasawi sa pamamaril ang pinuno ng Land Transportation Office (LTO) sa Pikit, Cotabato, habang nasa loob ng sasakyan sa Barangay Inug-ug noong Biyernes ng umaga. Kinilala ang biktima na si Johnson Edil, political chairman ng Moro Islamic Liberation Front-Bangsamoro Islamic Armed Forces (MILF-BIAF). Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nasa loob ng sasakyan si Edil nang pagbabarilin ito ng salarin. Agad binawian ng buhay ang biktima. Gumugulong naman ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng salarin.