Advertisers
Patay ang isang opisyal ng Department of Education (DepEd) nang pagbabarili ng ‘di nakikilang salarin sa loob ng compound ng DepEd sa Jolo, Sulu, noong Biyernes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Sonatria Dandon Gaspar, legal age, assistant superintendent DepEd Sulu, sa Barangay San Raymundo, Jolo, Sulu
Sa repor, 5:05 ng hapon nagmanap ang pamamaril sa DepEd Compound, Bonifacio St., San Raymundo, Jolo, Sulu
Nabatid na papauwi na ang biktima at naghahanda na umano ito umalis ng tanggapang ng pumasok ng compound ng ahensiya ang ‘di nakikilang salarin.
Agad na pinapitukan ng ilang bese sa ulo at katawan ng salarin ang biktima na ikinasawi noon din at mabilis na tumakas sa ‘di nabatid na direksyon.
Narekober ng mga otorida ang dalawang basyo ng bala ng cal 45 sa pinagyarihan ng I krimen.
Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilan ng salarin at kung mayroon kinalaman sa trabaho ng biktima ang motibo ng pamamaril. (Mark Obleada)