Advertisers
Arestado ang 19-anyos na binata na wanted sa kaso ng panggagahasa nang masakote ng tumutugis na mga pulis sa Malabon City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nakatanggap sila ng impormasyon na nakita ang akusadong si alyas “Dodong” sa Brgy. Longos kaya agad
inatasan ni Col. Baybayan ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team at tugisin ang akusado na nakatala bilang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod 10:10 ng umaga .
Nang matiyempuhan ng mga tauhan ng WSS ang akusado sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. Longos nagresulta ito sa pagkakadakip sa kanya.
Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape in relation to RA 7610 (Child Abuse).(Beth Samson)