Advertisers
NITONG nagdaang Sabado (February 1, 2025) sa programang ‘Tanong ng Bayan’ sa GMA7, ang tanong para kay senatorial candidate Teddy Casiño ay bakit di niya magawang diretsahang makundena ang mga masasamang gawain ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA.
Nilihis ni Casiño ang sagot at sinabing ang mga miyembro daw ng CPP-NPA-NDF ay kapwa natin mga Filipino. Kaya naman siya ay naitanong din kung kabilang siya sa CPP-NPA-NDF na itinuturing nang mga komunistang-terorista.
Sagot naman ni Casiño siya raw ay “kaliwa” at isang ‘militante’ o’ aktibista.
Eh hindi ba iisa lang ibig sabihin nun? Ang mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF ay mga “kaliwa”. “Militante” at “aktibista.”
So ang mga miyembro din ng Makabayan Bloc sa Kongreso, gaya ng Bayan Muna na kinabibilangan ni Casiño na dati’y mga ‘aktibista’ o mga ‘militante’ ay mga CPP-NPA-NDF.
Sila na ang mismong nagsabi niyan ha, at inaamin nila mismo yan, sa programa kong nabanggit.
Ganun din ang sagot ni France Castro, ng Makabayan at ngayon ay ACT Teachers party-list congresswoman na ay di nag-kaila na siya ay isang militante at kaliwa.
Eh iisa nga lang ibig sabihin nun. Parehong inaamin nila Castro at Casiño na sila ay kunektado o’ sabihin na nating mga miyembro ng CPP-NPA-NDF.
CPP, Communists Party of the Philippines, ang organisasyong halos mag-aanim na dekada ng nanggugulo sa bansa. Pumapatay ng “kapwa nila Filipino”, nagpapahirap sa mga komunidad sa pamamagitan ng pananakot at eksploytasyon atbp.
Paano nila tayo mapapaboto sa kanila bilang ating mga mambabatas? Eh mga komunista nga mga walanghiya! Hay sus! Bibilugin pa ang ating mga ulo, ng mga hunghang na ito.