Advertisers

Advertisers

VP Sara handa harapin ang impeachment

0 24

Advertisers

GOD save the Philippines!

Ito ang pahayag ni Vice President Sara Duterte sa isinagawang press conference bilang tugon sa impeachment complaint na isinampa ng House of Representatives.

Ayon kay Duterte, maraming abogado ang handang tumulong at maging bahagi ng kanyang defense team. Nobyembre pa lang umano ng nakaraang taon ay naghahanda na ang kanyang legal team.



Nang tanungin ng media kung dadalo siya sa impeachment trial, sagot ni Duterte, “Kung pwede naman hindi ako aattend hindi na lang ako aattend baka maintimidate lang sila sa presence ko”.

Sinabi rin ni Duterte na kung siya lang ang masusunod ay ayaw niya na maging bahagi ng defense team ang kanyang ama na si dating Pangulo Rodrigo Duterte dahil sa edad nito.

Una nang sinabi ng dating pangulo na handa siyang tumayong abogado ng kanyang anak sa impeachment case nito.

Dagdag pa ng bise-presidente, hindi niya nakakausap ang mga kaibigan sa Senado kaya hindi rin siya tiyak sa magiging outcome ng impeachment case.

Magugunitang 215 kongresista ang pumirma sa impeachment complaint laban kay Duterte. (Jonah Mallari)