Advertisers
NASAWI ang tatlong lalaking sakay ng isang motorsiklo sa ambush sa Barangay Tetuan, Zamboanga City, Biyernes ng umaga, February 7, 2025.
Kinumpirma ng Zamboanga City Police Office ang pagkasawi sa pananambang nina Anthony James Ressurecion, Troy Ressurecion at Jobert Marcos, lahat ay residente ng Talon-Talon, Zamboanga City.
Mabilis na nakatakas ang mga salarin.
Sa inisyal na ulat ng barangay officials at police investigators na nag-responde sa insidente, dead on arrival ang tatlo sa isang pagamutan.