Advertisers

Advertisers

‘Ugnayan’ nina Mayor Honey, VM Yul at Asenso Manileño fam. sa EARIST, tagumpay

0 26

Advertisers

NAGING malaking tagumpay ang isinagawang ‘Ugnayan’ ni Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at ng Asenso Manileño family sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Technology (EARIST) District IV.

Nabatid kay Asenso Manileño candidate for councilor sa Distrito IV at Isa sa mga nagsalita sa Ugnayan na pawang mga head of the families (HOF) ang siyang mga dumalo sa nasabing pagtitipon na binubuo ng 911 na hof mula sa Brgy. 420 ni Ch. Regala, at 250 naman mula sa Brgy. 461 ni Ch. Padero.

Ang nasabing ‘Ugnayan’ ay ginanap sa EARIST noong Huwebes ng umaga at hapon, Feb. 6, 2025.



Sinabi ni Marzan na kasalukuyan din Liga ng mga Barangay Director na, ang ‘Ugnayan’ ay isang regular na programa ng alkalde kung saan ipinapahayag at ipinapaliwanag nito ang mga programa at proyektong inilalatag sa bawat barangay nang sa ganun ay magkakaroon sila ng tamang impormasyon.

Isa ring venue ang ‘Ugnayan’, ayon pa kay Marzan upang ituwid at itama ang mga naglalabasang fake news na layuning iligaw ang mga residente sa katotohanan. Sa pamamagitan ng ‘Ugnayan’ agad na naitatama ang mga ipinapakalat na kasinungalingan na ang target ay ang alkalde at ang kanyang administrasyon.

Sa pamamagitan ng ‘Ugnayan’ ay naibababa ng administrasyon ni Mayor Honey ang mga pangunahing programa at proyekto para sa kapakinabangan ng mga residente ng lungsod.

Nabatid na pagkatapos magsalita ng alkalde, bise alkalde at mga kandidato mula sa Asenso Manileñ0 para sa pagka-Konsehal at Kinatawan ng Mababang Kapulungan ay agad na ring nagpaalam ang mga ito.

Bilang token ng kanilang pagdalo sa Ugnayan ay nabatid na pinagkalooban ng P1K at 3 kilong bigas ang mga nagsidalong head of the families. (ANDI GARCIA)