Advertisers
Ni CRIS A. IBON
MATAPOS masabat ang malakihang operasyon ng paihi/buriki sa San Juan, Batangas kamakailan ay nananawagan ang grupo ng anti-crime and vice crusaders sa CALABARZON kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na lansagin ang grupo ng mga sindikatong sangkot sa oil and petroleum pilferage at vice operations, kasuhan ang mga “tong kolektor” at mga “protektor” na local government officials at iba pang opisyales ng pamahalaan lalo sa lalawigan ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas.
Naniniwala ang MKKB na hindi lamang ang pulisya, NBI at BOC ang may responsibilidad na hadlangan ang operasyon ng fuel theft o paihi/buriki kundi higit sa lahat ay ang mga lokal at opisyales ng barangay at iba pang government officials.
“Dapat na paimbestigahan ni Pangulong Marcos at Sec. Jonvic Remulla ang mga alkalde at barangay chairman kung saan may mga operasyon ng paihi/buriki at vices tulad ng bookies ng Small Town Lottery (STL), EZ2, pick 3, lotteng, Perya ng Bayan (PnB), sakla at mga tradisyunal na peryahan na front ng mga sugalan at bentahan ng shabu lalo na sa mga lalawigan ng Cavite, Batangas, Laguna, Rizal at Quezon,”iin ng grupo.
Tinukoy ng MKKB ang mga alkalde sa Batangas na dapat ipasiyasat at kasuhan kung mapapatunayang may kinalaman sa operasyon ng ilegal sa kanilang hurisdiksyon na sina San Juan Mayor Salud, Lipa City Mayor Eric Africa, Tanuan City Mayor Sonny Collantes, Mayor Arth Jun Marasigan ng Sto. Tomas City, Padre Garcia Mayor Celza Braga-Rivera, Balayan Mayor JR Fronda, Lemery Mayor Ian Alilio, Nasugbu Mayor Jose Antonio Barcelon, Malvar Mayor Cristeta Reyes, Laurel Mayor Lyndon Bruce at iba pa.
Ayon sa MKKB, maaaring isailalim sa masusing pagsisiyasat sa posibleng kaugnayan sa bigong petroleum theft at smuggling si Mayor Salud; si Africa sa operasyon ng STL bookies ng “Big 4”, sangkaterbang sakla den nina Russel, alyas Pat Lopez at Ornok at peryahan na pulos sugalan na may shabuhan pa sa mga Brgy. Talisay at Sabang nina Onad at Rommel; Mayor Collantes sa operasyon ng STL bookies nina Ocampo at may 35 iba na karamihan ay mga barangay leader ng kanyang siyudad at sakla operation sa Brgy. Bagbag; Mayor Marasigan sa talamak na sugalan at shabuhan sa tabi ng Sto. Tomas Public Market nina alyas Onad at Rommel at saklaan nina Magsino; Mayor Fronda sa sangkaterbang tupadahan at sakla dens ng isang Kap Ogie; Mayor Alilio sa talamak na STL bookies ng isang alyas Ricalde sa lahat ng barangay ng Lemery; Mayor Barcelon sa STL bookies at mga pasakla ng isang Willy Bokbok; Mayor Reyes sa STL bookies nina Janog, Baduy, Lito at Nestor at Mayor Bruce sa pa-bookies nina alyas Sgt. Encarnacion at Kap Broce at iba pang mga opisyales ng pamahalaan.
Bukod sa sa mga vice operations, hindi rin naaaksyunan ni Batangas PNP Provincial Director Col. Jacinto Malinao Jr. ang operasyon ng paihi/buriki nina alyas Rico Mendoza, Etring Hidalgo alyas Payat at Efren sa Brgy. Banaba West Bypass Road malapit sa Integrated School at UC Gasoline Station at Brgy. Banaba South Bypass Road sa tapat ng Toyota Cars Parking Area.
Ayon sa MKKB, pawang dummy sina Rico Mendoza, Etring Hidalgo alyas Payat at Efren ng isang opisyal ng Batangas PNP Provincial Office na siyang tunay na financier, kapitalista o lider ng naturang sindikato.
Si alyas Mike Mendoza ang tagapaghatid ng milyones na payola sa mga opisina ng PNP, NBI, local at maging sa mga barangay official upang manahimik ang mga ito.
Ang isa pang sindikato ng paihi/buriki sa Batangas City ay ang mahigit sa 40 years nang pinatatakbo ng isang alyas Balita sa isang beach resort sa Brgy. Simlong sa naturang ding lungsod na hurisdiksyon ni Brgy. Chairman Rufo Caraig.
Ang mga nakaw na produktong petrolyo ni alyas Balita ay ibinabiyahe ng pumpboat mula sa Brgy. Simlong patungong Brgy. Balatero, Puerto Galera, Oriental Mindoro at ipinabebenta sa mga gasoline station sa Mindoro, speed boat at pumpboat operators na karamihan ay mga foreign nationals.
Ang dalawa pang paihian/burikian ay ang ino-operate sa bodega ng isang Roy sa Brgy. Bawi at ang nasa likuran ng bahay ng isang alyas RR sa Brgy. San Felipe, kapwa sa bayan ng Padre Garcia. Dapat ding siyasatin si Mayor Braga-Rivera sa posibleng kinalaman nito sa operasyon ng naturang mga ilegalista?
Bigong masawata ang mga kailegalang ito sa kanilang area of responsibility nina Batangas PNP PD Col. Malinao Jr. at Criminal Investigation and Detection Group Regional 4A Field Unit Chief Col. Emerick Sibalo. “Bukol” ang inabot nina Col. Malinao Jr. at Col. Sibalo matapos ma-itsapwera o mabalewana ang mga ito sa raid sa paihi/buriki lair sa Brgy. Subukin, San Juan, Batangas, ayon pa sa MKKB.