Advertisers
Grabe ang dagundong ng balitang palitang Luka Doncic at Anthon Davis.
Sobra-sobra ang konento ng mga basketball analyst, mga manlalaro, mga opisyal at pati mga ordinaryong tagahanga sa isyu.
Pinagdedebatihan kung sino nanalo sa trade?
Pabor ba sa Lakers o sa Mavs.
Aminin natin na mas malaking pangalan ang sa Slovenian kaysa AD.
Higit na sikat si Luka. Mas guwapo, mas explosive sa opensa kaya masarap panoorin.
Pwedeng lamang si LeBrow sa depensa nguni’t sa mga fan ay ang mga tres, drive at mga jumpshot ni Doncic ang higit na inaabangan.
Siya ang superstar at franchise player ng Mavs dati nguni’t si Davis ay nasa likod lang ni LeBron sa LAL kahit ano sabihin ng iba.
Ngayon ay 2 na ang mega-basketbolista ng purple at gold. 25 años lang ang isa kumpara sa umalis na 31 na.
Kung ang paniwala ng Mavericks management ay hindi sila kaya bitbitin ni Luka sa isang totulo, ang Lakers naman ang tingin ay napunta na sa kanila ang susunod na mukha ng NBA.
“Golden opportunity na ito para sa amin,” wika ni GM Rob Pelinka ng koponan sa Hollywood.
“Suportado ako dito ng mga Buss,” dagdag ni Pelinka
Super-excoted na mga taga Los Angeles sa first game ni Luka sa kamilang team. Malamang kontra Indiana ito Linggo.
Siyempre pinakaaabangan din ang unang paghaharap ng Lakers at Mavs pagkatapos ng big switch ng mga bida ng bawa’t prangkisa.
Magaganap ito sa ika-26 ng buwang kasalukuyan.
Kaloka eka nga ni Roda, ang karakter na mataray ni Joel Lamangan sa FPJ’s Ang Batang Quiapo.
***
Nag- reunion ang Great Taste- Presto team ng PBA noong isang araw. Dumating ang mga sikat nilang player gaya nina Allan Caidic, Atoy Co Philip Cesar, Padim Israel, Onchie de la Cruz, Vergel Meneses, Bong Hawkins, Gerry Esplana, Sonny Cabatu, Aldo Perez, Dennis Abbatuan, Jimmy Manansala, Noni Robles, Joel Banal at Cho Sison.
Ilan pa sa mga team mate nila sa Tivolis/Coffeecreamers ay sina Manny Victorino, Ricardo Brown, Abe King at Joy Carpio.
Nagwagi ng anim na titulo ang CFC/URC na orig na kasapi ng liga.
Naging coach ng popular na koponan noong 1980s sina Baby Dalupan, Jimmy Mariano at Tommy Manotoc at team manager/governor si Ignacio Gotao.
***
Mark Williams na galing Charloote bilang sentro, Rui Hachimura sa power forward, LeBron James sa small forward,uka Doncic sa shooting guard at Austin Reaves sa point. Yan ang potential na maging regular na starting five ng Lakers. Malakas sa opensa. Tingnan natin kung pasado sa depensa.