Advertisers

Advertisers

2-storey super health center binuksan ni Mayor Honey sa publiko

0 25

Advertisers

BINUKSAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang dalawang palapag na super health center para sa mga residente ng first district ng Tondo.

Sinamahan si Lacuna nina Vice Mayor Yul Servo, first district Congressional candidate Manny Lopez at mga Councilors Nino dela Cruz and Marjun Isidro, at iba pa sa unveiling ng marker sa Aurora Quezon Health Center at Health District 1 Office in Tondo 1.

“Nakatalaga po sa unang palapag ang ating TB-DOTS room with sputum collection area, minor surgical room, prenatal room, dental clinic, treatment room at iba pang mga kwarto na makakatulong sa pagbigay ng mas epektibong serbisyo sa mga taga-Tondo,” saad ni Lacuna.



“Sa ikalawang palapag naman nakatalaga ang Health District 1 Office at mayroon ditong Sanitation office, district health office, head nurse and head dental supervisor rooms, conference room at iba pa,” dagdag pa niya.

Ipinangako ng alkalde na maglalagay pa siya ng mga kinakailangan at karagdagang medical services at mga kagamitan tulad ng x-ray at CT scan machines.

Ayon pa kay Lacuna, sa pamamagitan ng health center na kanyang binuksan ay matutugunan na ang mga pangunahing pangangailangang medikal ng mga residente.

“Ito po ay bukas upang mas makatulong sa mga nangangailangan na residente ng Tondo,” saad pa ng lady mayor. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">