Advertisers

Advertisers

Herlene may ‘K’ pumalit kay Rufa Mae sa komedya

0 17

Advertisers

Ni BLESSIE CIRERA

MAITUTURING na rin namang another Rufa Mae Quinto si Herlene Budol sa pagpapatawa sa kanyang mga proyekto.

Sa comedy roles nag-iwan ng tatak si Rufa Mae na ngayon ay siya ring nilalandas ni Herlene



Gaya nga nitong nalalapit na pagpapalabas ng bagong serye niyang ‘Binibining Marikit’ na isasaere na ngayong Lunes, Pebrero 10, 2:30pm, sa GMA Afternoon Prime.

Kakaibang Herlene ang mapapanood dito kumpara sa nauna niyang serye na Magandang Dilag na pumatok din sa mga manonood.

Sa direksyon ni Jorron Lee Monroy, maipakikita ulit ni Herlene ang husay niya sa pag-arte kasama ang magagaling ding sina Pokwang, Cris Villanueva, Thea Tolentino, Almira Muhlach, Ashley Rivera, Jeff Moses, John Feir, Kevin Dasom at marami pang iba.

Gusto nang kalimutan ni Herlene kung anumang pangit na karanasan sa nakaraan niyang serye. Umaasa siyang mas maiibigan ng publiko ang Binibining Marikit lalo pa’t pinaghirapan anya nilang lahat ito para matiyak na magugustuhan ng lahat.

Maganda at napapanahon ang istorya ng Binibining Marikit kaya tutukan na ang panonood dito simula ngayong Lunes na, Feb.10 sa GMA.