Advertisers
DESPERADO na si Batangas Gov. Hermilando Mandanas at gumagamit na umano ng pekeng survey company para palakasin ang pumupugak niyang kandidatura bilang vice governor ng lalawigan.
Sa survey ng One Research Philippines Inc. (ORPI), malaki daw ang lamang ni Mandanas sa karera sa pagka-bise gobernador.
Pero sa pagsasaliksik, lumilitaw na walang kahit anong detalyeng makikita sa internet tungkol sa ORPI.
Ang Facebook page nito ay ginawa lang noong Enero 18 at hindi naman mabuksan ang kanilang website na http://www.oneresearchphinc.com/.
Malayong malayo ito sa ibang survey firms gaya ng Social Weather Stations, Pulse Asia, Publicus, at RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) na may legit na website at mga lehitimong opisyal.
Kaduda-duda rin na ang mga balita tungkol sa ORPI ay mga survey na isinagawa raw nito ukol sa local na eleksiyon sa CALABARZON area, lalo na sa Batangas.