Advertisers

Advertisers

PULIS TINODAS NG PULIS DING MISIS!

0 18

Advertisers

NASAWI ang isang pulis nang barilin ng kanyang misis na isa rin pulis sa Angeles City, Pampanga.

Sa report, tama sa ulo ang ikinamatay ng pulis Lunes ng gabi habang nasa garahe ng kanyang bahay sa Barangay Cuayan, Angeles City.

Lumalabas sa imbestigasyon na mismong ang misis nitong pulis din ang bumaril sa mister.

Bago ang insidente, sinabi ng ilang kapitbahay na may narinig silang putok ng baril at nakitang duguan ang biktima na may ranggong Chief Master Sergeant (CMSgt).

Napag-alaman din na baril ng misis ang ginamit sa pagbaril. May ranggong Master Sgt ang salarin.

Sinabi ni PRO3 Director, Brigadier General Jean Fajardo, na pagmamay-ari ng pulis na misis ang baril.

May pinagdaraanan umano ang salarin dahil sa kanilang relasyon ng biktima.

Kapansin-pansin din ang pag-iiba ng mga kilos ng salarin bago ang insidente.

Nahaharap sa kasong parricide ang pulis na misis.