Advertisers
215 kongresista ang pumirma para patalsikin si Vice President Sara Duterte-Carpio matapos himayin ang mga reklamong Plunder, Bribery, Betrayal of Public Trust at ilan pang high crimes na nabunyag sa serye ng imbestigasyon ng House Quad Committee sa huling quarter ng 2024.
Kaya nasa mga kamay na ngayon ng Senado ang bola kung kanilang ididribol lamang o i-swak na sa basuran ang Bise Presidente na nagpauso ng confidential funds at nagbanta sa Pangulo ng bansa na patayin pati ang kanyang First Lady at House Speaker.
Hindi bumahag ang buntot ng mga reelectionist sa pro-Duterte rally ng Iglesia Ni Cristo (INC) na nanawagan sa Luneta nitong nakaraang buwan na panatilihin sa kapangyarihan, ‘wag i-impeach si VP Sara.
Pumirma ang 215 mambabatas para patalsikin ang pangalawang pangulo na sa tingin nila ay sobrang abusado na sa kanyang kapangyarihan, walang respeto, na walang pakundangan kung lumustay ng pera ng publiko.
Ngayong nasa Senado na ang mga ebidensiya para patalsikin sa kapangyarihan ang pangalawang pangulo ng bansa, makikita natin dito kung sino ang para sa Republika ng bansa o para lamang sa Duterte.
Sa botohan sa House, pinagdududahan na kung sino ang maaring kontra sa impeachment vs Duterte tulad nina Congressman Erwin Tulfo at Congw. Camille Villar. Hindi sila pumirma sa pagpatalsik kay VP Sara. Bakit?
Si Erwin, kapatid ni Sen. Raffy, ay naging DSWD Secretary ni ex-Pres. Rody Duterte, ang ama ni VP Sara.
Si Camille, anak nina Sen. Cynthia at kapatid ni Mark Villar na naging sectetary rin ni Digong sa DPWH.
Ang Villar ay nagbigay ng milyones na campaign fund sa Duterte noong 2016 presidential race. So, walang rason para komontra sila sa Duterte. Mismo!
Ang mga senador na siguradong kontra sa impeachment vs VP Sara ay Bong Go, Ronald Dela Rosa at Pia Cayetano. Pero kapag natalo sila sa Mayo 12, burado na sila.
Ang mga tiyak na haharang sa Senado sa impeach Sara ay ay ang mga incumbent na sina Robin Padilla na isang DDS, Allan Cayetano na naging secretary noon ni Digong, who else???
Since nag-adjourn na ang session ng Senado hanggang Hunyo 2, matatalakay ang impeachment na ito after May 12 election.
Kaya nakadepende ngayon sa mga mananalong senador ang kapalaran ni VP Sara. Kung majority ng 12 mananalong senador ay pro-Duterte, siguradong mababasura lang ang impeachment laban sa pangalawang pangulo. Pero kapah nabokya ang mga pro-duterte senatoriables, goodbye Inday!
Opo! Batid natin na numbers game ang impeachment sa Pilipinas unlike sa Amerika na may mga paninindigan ang mga politiko, na kapag nahalal sa kapangyarihan ang kanilang loyalty ay sa mamamayan na hindi sa partido. Mismo!
Sabi ng administrasyon, target nila ang 12-0 sa senatorial. Hmmm…I doubt. Kasi sa takbo ng mga survey ngayon, puros artista ang nasa top 12 at mga kaalyado pa ng Duterte.
Anyway, ang lahat ng ito ay magbabago pa, higit tatlong buwan pa ang Mayo 12, makapag-iisip pa ng maige ang mga botante.
Ang panawagan ko lang maghalal ng tama: may kakayahan, may interidad, may dunong sa paggawa ng batas at may liderato, hindi yung mga nagpapatawa lang at nagbubutas ng bangko sa Senado.
God save Philippines!!!