Advertisers

Advertisers

P7.9m shabu, nasabat sa 3 HVI sa Caloocan

0 30

Advertisers

Nasabat sa tatlong drug suspects na itinuturing bilang High -Value Individual (HVI) ang mahigit P7.9 milyong halaga ng shabu nang madakip sa buy bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt Col. Timothy Aniway Jr ang mga suspek na sina alyas “Tomboy”, 24; alyas “Meng”, 31; at alyas “Halem”, 18, pawang residente ng lungsod.

Sa report kay Northern Police District (NPD) Director P/Col. Josefino Ligan, ikinasa ang buy bust operation, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency – National Capital Region (PDEA RO NCR NDO) at Sub-Station 14 ng Caloocan police nang magawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isa sa kanyang mga tauhan.



Pinasok ng mga tauhan ng DDEU ang isang bahay sa San Lorenzo Ruiz, Brgy. 185 saka inaresto ang mga suspek matapos matanggap ang hudyat mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na nakabili na siya ng droga sa kanilang target alas-12:10 ng hating gabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 1,170 grams ng shabu na may street value na P7,956,000.00 at buy bust money.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Caloocan City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)