Advertisers
PAMUMUNUAN ni Southeast Asian (SEA) Games medalists Ronald Oranza at Jermyn Prado ang 21-miyembro ng Philippine team sa 44th Asian Road Cycling Championships at 31st Asian Junior Road Cycling Championships sa Phitsanulok, ang city north ng Thailand.
Oranza ay nagwagi ng 2 bronze medals sa 2023 Cambodia SEA Games habang si Prado nagbulsa ng gold sa 2019 edition na ginanap dito sa Pilipinas.
Kasali sa kanila ang junior riders Kent Steven Zambrano ng Sultan Kudarat, Roy Benedict Plastina ng Makati City, Mary Gwennielle Francisco ng Quezon City at Jazmine Kaye Vinoya ng Pangasinan at Baguio City na nangingibabaw sa kanya-kanyang events sa Batang Pinoy National Finals nakaraang Disyembre sa Puerto Princesa City.
Ito ang unang pagkakataon na ang PhilCycling, na pinamuman ni Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, ay nagpadala ng siklista mula sa Batang Pinoy, ang national grassroots program ng bansa para sa atleta na 15 years old pababa.
Sasabak rin sa men’s category sina Joshua Pascual, Julius Tudtud, Junrey Navarra, Marcelo Felipe, Steven Nicolas Shane Tablizo, Andrei Dennis Deudor, Jude Gabriel Francisco at Ruzel Agapito, habang ang ibang entries sa women’s category ay binobou nina Phoebe Salazar, Maura Christine March de los Reyes, Maritoni Krog, Kim Syrel Bonilla, Angelica Mae Altamarino, Angela Joy Marie Bermejo at Raven Joy Valdez.
Ang team ay dumating sa Bangkok Miyerkules ng hapon at bumiyahe ng anim na oras land trip patungong Phitsanulok, kung saan ang riders ay sasabak sa team mixed relay, individual time trial at road race events sa tournament na magsisimula Biyernes hanggang Pebrero 17.
Ang atleta ay sinamahan ng mga coaches Reinhard Gorantes, Mark John Lexer Galedo, Virgilio Espiritu, Marita Lucas at Joey de los Reyes at mechanics Reynaldo Navarro at Roderic Calla kabilang si Sunshine Joy Vallejos bilang team director. (JEFF VENANCIO)