Advertisers
HINDI ko sukat akalain na humagalpak ako sa katatawa habang nanood ako ng TRI-Committee hearing ng Camara de Representante noong Martes. Ito ay dahil sa nasaksihan ko sa pagdinig ang testimonya ng mga “blogger” na kilalang “kritiko” ng kasalukuyang pamahalaan. Sa halip na batikusin ang mga “matatapang” na blogger na hindi dumalo, nauwi ito sa pambubully ng isang pipitsuging mambabatas sa isang blogger.
Hindi ko na sana sasabihin na pipitsugin subalit sa ipinamalas ng mambabatas, patunay ito ng kanyang pagiging pipitsugin. Sige na, Rodente Marcoleta, ikaw ang pipitsugin na mambabatas. Akala mo ba umangat ang popularidad mo sa bansa? “Political bottom feeder,” iyan ang tingin ko sa iyo. Wala akong bilib sa blogger na itatago ko lamang sa pangalang Atty. Ricky Tomotorgo, subalit bilib ako sa pagiging marahan at mahinahon habang sinusurot-surutan siya ni Marcoleta, na nagmistulang bulldog na naka peluka.
Sa maikli, mas lalaki si Tomotorgo, si Rodente nagmistulang baklang pikon. Sa kalaunan, nag-umpisa ang Tricom hearing. Pasalamat na lang ang inyong abang lingkod na tumahimik din ang naka pelukang bulldog. Nagpasalamat ako na kulelat sa survey ang bulldog. Nagpapanalangin ako kay Poong Kabunian na matuto at matauhan na tayo.
Huwag na tayong humalal ng mga katulad ng nakapelukngag bulldog. Maka-tsina, Makapili, atbp. Huwag na tayo maglokohan pa. Isa siya sa dahilan kung bakit tayo nagkakagulo. Ito ang pagkaluklok ng mga trapong sarili lang ang agenda.
Sabi ng yumaong Manuel L. Quezon: “I’d rather be ruled like hell by the Filipinos, than like heaven by the Americans.” Ang sapantaha ko: tayong mga Filipino ang lulutas ng mga suliranin ng ating pulitika. Magkahetot-hetot man, humantong man ito sa umaatikabong gulo?
Palagay ko, hindi hahantong sa ganyan. Mananatili tayong mga anak ni Poong Kabunian, mananatili pa ring kupal na naka peluka na si Rodente Marcoleta.
***
NAGSASAGAWA ng joint patrols ang ating Hukbong Himpapawid at mga long range bomber ng US Air Force. Bahagi ito ng makikipagtulungan ng dalawang pwersa laban sa patuloy na pagpasok ng pulahang tsina sa ating teritoryo. Opo, pinapaigting na ang mga patrulya. Sa hakbang na ito pinatunayan ng Republika ng Pilipinas na, kaakibat ang kanyang kaalyado partikular ang Estados Unidos.
Gumaganti na ito ng tulak sa patuloy na pambubully ng pla. Patunay din ito na duwag sila kapag hinarap ng mas malaki at mas mapanganib. Ngunit huwag tayo magpakasegurado dahil ang pulahang tsina ay traydor at taksil sa relasyon nito sa maraming bansa. Sila at mga kasapakat nilang mga taksil na Filipino ay tandaan niyo sa kalaunan sila ay masusupil, malilipon.
A GOOD PLA IS A DEAD PLA… Kailanman hindi tayo magpapasiil!!!… Mabuhay ang Republika ng Pilipinas!!!
***
KAILANGAN baguhin na ang ating espionage laws at gawin ito mas mahigpit. Matapos na mahuli sa kamay ng mga kinauukulan ang ilang mga tsinong espiya tangan ang mga sophisticated na military grade surveillance devices,. Nababagabag na ang inyong abang lingkod sa sitwasyon pang seguridad natin.
Ang antas at kalidad ng pagmamanman ay nagbago na. Ang mga batas na sumasaklaw sa pag espiya at espionage ay umiiral pa noong manahon ng Philippine Commonwealth, nahaharap ang ating bansa sa makabagong sistema ng pandirigma. Ang dating direktang pagdigma ay pinalitan na ng tinatawag na ” asymmetric warfare” kung saan ang sinomang bansa o kasapakatan ay maaaring magsagawa ng pag eespiya nang hindi gumagamit ng sandata, radar o lente.
Katibayan ang ilang narekober na underwater drones sa ating mga dalampasigan. Huwag na natin pansinin ang nakapintang sulat-insik sa mga ito. Ito ay patunay na ang mga kaaway ng bayan ay pinag-aaralan ang ating lupain. Sa mga isiniwalat, kinakailangan pabigatin ang parusa sa mga espiya at kanilang mga kasapakat.
Ang kapakanan at seguridad ng Pilipinas ang nakasalalay dito.
***
HOLD THE PRESSES…
Sa mga 150 votes impeach si Sara Duterte ng Mababang Kapulungan. Kinailangan ng Kamara na magkalap ng 103 na boto ngunit umabot, sa pagsusulat, ng 150 na boto. Maraming tao, kasama ang inyong lingkod ang nagbubunyi.