Advertisers

Advertisers

Sa P50M droga nasabat ng QCPD, maraming inosente ang nailigtas

0 32

Advertisers

Kung susuriin, maraming bilang ng mga inosente, kabataan (hindi lang kabataan) ang nailigtas sa tiyak na kapamahakan ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni PCol. Melecio M Buslig, sa nagdaang apat na buwan – Oktubre 2024 – Pebrero 2025.

Nagtataka kayo marahil kung paano o sa anong paraan nailigtas ng QCPD ang mga nabanggit. Ito ay bunga ng pinaigting na kampanya ni Col. Buslig laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa loob ng nagdaang apat na buwan o simula nang maupo ang opisyal bilang Acting Director ng QCPD noong Oktubre 1, 2024.

Nailigtas ang maraming bilang bunga ng pagkakakumpiska ng QCPD ng mga ilegal na droga, partikular na ang shabu na umaabot sa halagang P50,745, 116.80. Nakumpiska ang droga sa loob lamang ng apat na buwan – simula nang manungkulan sa Col. Buslig.



Isipin niyo, paano kung ang nabanggit na droga ay nakalusot, hindi ba maraming bilang ng kabataan at iba pa ang tiyak na napahamak at masira ang kanilang kinabukasan?

Dahil pa sa walang humpay na giyera sa droga at kriminalidad ni Col. Buslig katuwang ang mga bumubuo ng pulisya ng lungsod, patuloy ang pagbaba ng krimen sa lungsod na nagresulta din sa seguridad ng milyong QCitizen..

Ang tagumpay na kampanya ng QCPD ay bunga ng direktiba nina Chief, PNP PGen Rommel Francisco D Marbil at Acting Regional Director, NCRPO, PBGen. Anthony A Aberin, kaugnay sa pagpapairal sa mga programa ng PNP – ang Able, Active, at Allied Program, na nabigay tulong sa QC police force sa pamamagitan ng training, proactive crime prevention, at closer community engagement.

Mula Oktubre 1, 2024, hanggang Pebrero 1, 2025, matagumpay ang kampanya ng QCPD laban sa kriminalidad kung saan nagresulta ito sa pagkaaresto ng 1,309 wanted persons, pagkaaresto ng 1,321 illegal gamblers, at pagkadakip ng 109 suspek sa pagdadala ng illegal firearms kung saan 113 baril ang nakumpiska.

Heto pa, sa isinagawang 667 anti-illegal drug operation umabot sa 1,059 drug pusher ang nadakip kung saan umabot naman sa P50,745,116.80 halaga ng shabu ang nakumpiska.



Ang tanong nga e, paano kung nakalusot ang mahigit sa P50 milyon halaga ng shabu? Mabuti na lamang….

Ang matinding operasyon ng QCPD ay nagresulta pa sa pagbaba ng pangunahing krimen sa lungsod – bumaba ito sa 14.12%. Bumaba ang murder case sa 29.41%, physical injuries sa 52.50%, rape sa 36.21%, robbery sa 17.53%, at theft sa 9.49%.

Malaking tulong din sa paglutas sa krimen ang Unified Intelligence and Investigation Center (UIIC), Sa pamamagitan nito, sa 5,981 facial recognition requests, 670 suspek ang nakilala mula sa database. At 189 suspek pa ang natuklasan na sangkot sa krimen sa iba’ti bang lugar habang 72 indibiduwal ant nadiskubreng gumagamit ng “alyas” para makaiwas sa pagkaaresto.

Ang pagsasama ng PNP e-Warrant System ay naging malaking tulong din sa pagtunton sa 88 suspek na may warrant of arrest bilang tugon din sa kampanya laban sa wanted criminals.

Naging matagumay ang lahat dahil sa isinasagawang advanced crime monitoring sa pamamagitan ng Integrated Command, Control, at Communication Center (IC3), kung saan naitatala ang tamang oras ng pagmamanman at at mabilis na pagresponde sa mga pangyayari/insidente.

Bukod dito, ang strategic police deployments din sa mga maituturing na high-crime areas at ang pagkikipag-ugnayan sa Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, ay nakatulong din para maging ligtas ang lugar para sa seguridad ng QCitizen.

Ang unang 4-buwan ni Col Buslig bilang ADD, QCPD ay patunay lamang ng kanyang hindi matatawaran dedikasyon, strategic leadership, at ang kanyang pambihirang pangakong sa paglilingkod sa publiko.