Advertisers
Talaga namang maipagmamalaki ng mga taga-District 3 ng Maynila ang kanilang piniling kinatawan sa Kongreso na si Manila Representative Joel Chua.
Bukod sa todo serbisyo nito sa kanyang mga nasasakupan sa 3rd district ng Maynila, talaga namang todo rin ang kanyang performance sa Kongreso.
Isa siya sa mga Congressman na mararamdaman ang presensiya sa Kongreso dahil sa taglay na prinsipyo, talino at galing. Bago mag-Congressman, siya ay nagsilbing Konsehal sa 3rd District ng Maynila mula
2007 hanggang 2022.
Isang abogado si Congressman Chua at ito ay pinakinabangan nang husto ng House of Representatives nang siya ay italaga para pamunuan ang House Committee on Good Government and Public Accountability.
Kaakibat niyan ang trabaho na siguradong hindi lahat ng Congressman ay gustong hawakan. ‘Yan ay ang pag-imbestiga sa maling paggamit ng pampublikong pondo ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
Sa galing ng itinakbo ng imbestigasyong pinamunuan ni Rep. Chua ay lumitaw ang samut-saring mga karagdagang isyu na kuwestiyonable at hindi nabigyan ng maayos na kasagutan ng bise-presidente.
Ang mga natuklasang iba pang isyu ay lumobo at ang mga ito ay kasamang naging daan upang masampahan ng impeachment si VP Sara.
Hindi nagpatinag si Congressman Chua sa kaliwa’t-kanang tirada ng mga trolls at maging ni VP Sara mismo.
Sabi nga niya nang mag-guest siya sa buwanang ‘Balitaan’ news forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), ang lahat ng kanyang ginagawa sa Kongreso ay pawang trabaho lamang at walang personalan.
Natutuwa rin niyang ibinalita na base sa mga survey ay 60 porsyento ng mga Pilipino ang aprubado sa mga ginawa ng Kongreso ukol sa isyu.
Ngayon naman, siguradong maipagmamalaki na naman siya ng kanyang mga nasasakupan sa Distrito 3 ng Maynila dahil isa siya sa 11 Kongresistang napili para bumuo ng House prosecution panel, matapos mapadala na sa Senado ang impeachment complaint laban kay VP Sara.
Ang prosecution team ang siyang magtatanggol sa naging desisyon ng Kongreso, sa botong 215 na mahigit pa sa 102 lamang na kailangang boto, para i-impeach ang bise-presidente.
Congratulations kay Congressman Chua dahil parte na siya ngayon ng kasaysayan. Ito ang unang pagkakataon na magkaroon ng impeachment laban sa isang nakaupong Vice President.
Tumatakbo nga pala si Congressman Chua para sa ikalawang termino bilang Congressman sa ikatlong distrito ng Maynila.
Nakakatawa na may naglakas-loob pang lumaban sa kanya na hindi lang walang karapatan at sapat na kwalipikasyon para maging miyembro ng Kongreso, kungdi wala ring taglay na utak na kagaya ng kay Congressman Chua.
Ang balita ko, ang tanging ‘talent’ ng kalaban ni Congressman Chua ay kumanta ng sintunado para makapagpatawa. Ano maitutulong niyan sa mga taga-District 3 ng Maynila?
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.