Advertisers

Advertisers

BAGONG PHILHEALTH CHIEF, HINAMON NG AGRI PL SOLON

0 19

Advertisers

UMAASA si AGRI partylist lawmaker Manoy Wilbert Lee na sa ilalim ng bagong pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), partikular sa pagtatalaga kay Dr. Edwin Mercado hindi lamang nito ipagpapatuloy bagkus ay pabibilisin pa ang pagpapatupad ng pagtataas o pagdaragdag sa mga benepisyong ipinagkakaloob ng naturang state health insurer.

“Marami pang hamon at dapat gawin sa PhilHealth and we are looking forward to working with the new President and CEO Dr. Mercado. Umaasa tayo sa patuloy na pakikiisa at pagtupad ng PhilHealth sa ipinaglaban natin na commitment para mapababa ang gastos sa pagpapa-ospital ng mga Pilipino, hanggang makamit natin ang libreng gamot at pagpapagamot,” ang sabi pa ng Bicolano lawmaker.

Pagbibigay-diin ng AGRI PL solon at senatorial aspirant sa nakatakdang May 12 mid-term polls, hindi niya tatantanan “ang pangangalampag at paniningil sa Department of Health (DOH) at PhilHealth upang agarang maipatupad at mapagtibay ang mga repormang pangkalusuga.”



Giit niya, ito “para magpalit man ng liderato o administrasyon ay tuloy-tuloy pa rin ang pagdaragdag ng mga benepisyong karapatan at deserve ng bawat Pilipino.”