Advertisers
PORMAL nang tinanggap ng Senado ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos aprubahan ng 215 miyembro ng House of Representatives.
Kabilang sa basehan ng impeachment complaint ay “Culpable Violation of the Constitution, Betrayal of Public Trust, Graft and Corruption at Other High Crimes.”
Tinanggap ang articles of impeachment ng tanggapan ni Atty. Reynaldo Bantug, secretary ng Senado, ang verified complaint laban kay Duterte na personal na dinala ni House Secretary General Reginald Velasco.
Umabot sa 215 miyembro ng Kamara ang lumagda sa impeachment complaint na higit pa sa kinakailangang lagda na 2/3 ng kasalukuyang miyembro ng Mababang Kapulungan.
Pangatlo si Duterte sa sinampahan ng impeachment complaint sa lahat ng impeachable officers ng bansa.
Matatandaang una si dating Pangulong Joseph Estrada matapos matapos pumutok ang Jose Velarde account na naglalaman ng milyong pondo at pangalawa si yumaong Chief Justice Renato Corona na sanhi ng betrayal of public trust.
Dinala sa Senado ang ikaapat na impeachment complaint laban kay Duterte ngunit inilagay sa archive ng Mababang Kapulungan ang naunang tatlong reklamo.
Base sa rules of impeachment ng Senado, si Senate President Francis “Chiz” Escudero ang magpe-preside sa impeachment proceedings at kasama pa ang iba pang mga senador na tatayong mga judge sa impeachment court.
Nabatid na kailangan magkaroon ng 2/3 boto o 16 na bilang na senador na papabor sa impeachment complaint upang mapatalsik si Duterte sa puwesto at mahatulan ng “perpetual disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno, elected man o appointed.
Ngunit, inaasahang apat ang pinakamatinding kaalyado ni Duterte sa Senado kabilang sina Senador Ronaldo “Bato” Dela Rosa, Bong Go, Robin Padilla at Imee Marcos.
Kailangan ng kampo ni Duterte ng walong boto upang maibasura ang impeachment complaint mula sa 23 miyembro ng Senado. Naunang nagbitiw si dating Senador Edgardo Angara sa Senado upang magsilbi ngayon bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) kapalit ni Duterte.
Itinalaga naman ng Mababang Kapulungan ang 11 miyembro na magsisilbing prosecutors sa impeachment trial na pangungunahan ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo, ang ika-27 Punong Mahistrado ng Korte Suprema, bilang presiding officer na walang karapatang bumoto.
Kabilang sa prosecutors ng Mababang Kapulungan sina Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Rep. Romeo Acop, Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez, Rep. Joel Chua, Rep. Raul Angelo “Jil” Bongalon, Rep. Loreto Acharon, Rep. Marcelino Libanan, Rep. Arnan Panaligan, Rep. Ysabel Maria Zamora, Rep. Lorenz Defensor, at Rep. Jonathan Keith Flores. (Mylene Alfonso)