Advertisers

Advertisers

KANDIDATONG CONGRESSMAN TIMBOG SA TALBOG NA TSEKE

0 44

Advertisers

DINAMPOT ang isang negosyante na kandidato sa pagka-kongresista sa Calamba City, Laguna sa harap mismo ng Municipal Hall of Justice kungsaan dumadalo ito ng court hearing, Lunes ng umaga.

Ayon kay Lt. Colonel Victor Sobre, hepe ng pulisya sa lungsod, inaresto ang 37-anyos na si Eugiene Salom alyas “Gino”, kilala ng kanyang mga tagasuporta sa bansag na “Batang Calamba”, nang dumalo sa pagdinig para sa iba pang kaso sa Municipal Trial Court, Branch 3, sa Barangay Real, Calamba City 9:30 ng umaga.

Ginawa ng hukom ang pag-aresto kay Salom sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Krisandra Ann Del Mundo Malalauan, acting presiding judge ng MTC, Branch 3, Fourth Judicial Region, Calamba City na may petsang Enero 30, 2025 sa kasong paglabag sa Batas Pambansa (BP) 22 (Bouncing Checks Law).



Nabatid sa pulisya na nakalista si Salom bilang Number 8 City Level Most Wanted Person na may piyansang inirekomendang P120,000.