Advertisers
NAPATANONG ako sa aking mga kasamahan sa media at mga kaibigan sa kapatiran: Pinoy ba talaga si Rodante Marcoleta?
Si Marcoleta, kinatawan ng Sagip-Partylist, ay isa sa mga kandidato sa pagka-senador sa partido ni dating Pangulo Rody Duterte.
Napatanong ako ng ganito nang sabihin niya Marcoleta na ang West Philippine Sea (WPS), na gustong sakupin ng China, ay gawa-gawa lamang natin.
“There is nothing as West Philippine Sea. That is a creation by us,” diin niya nang tanungin ng media hinggil sa kanyang opinion sa pagpupumilit ng China na angkinin ang kabuuan ng WPS, pati ang nasa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Sagot naman ng tagapagsalita ng Philippine Navy sa WPS, ang ganitong pahayag ni Marcoleta ay malaking kahihiyan sa kanyang partido.
“Hearing someone claim that the West Philippine Sea is merely a fabrication of the Philippine government is a disservice and an embarrasment to their entire party, the organization they belong to, and even their own family,” reakyon ni Philippine Navy Comm. Jay Tarriela.
Kayo, mga pare’t mare, anong say ninyo sa naging pahayag na ito ni Marcoleta? Karapat-dapat bang maging senador ng Republika ng Pilipinas ang katulad niya?
***
Grabe itong dalawang opisyal ng Philippine National Police na sina Major CS at Capt JJ. Kinakausap daw nila ang mga hinuhuling illegal gambling operators sa erya ng Maynila para magkaroon ng sariling “parating”, at sinasabi pa raw nila na pabubuksan nila ang online sabong sa buong National Capital Region (NCR) o Metro Manila.
Hindi yata alam nitong sina Major CS at Capt JJ na may executive order si Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. laban sa mga online gambling partikular online sabong.
Batid kaya ni Colonel Cadayona, ang RIID Chief ng NCRPO, ang pinaggagawang ito ng kanyang mga opisyal?
Baka puros bukol ka na sa dalawang ito, Kernel?
Tuldukan!
***
Umaksyon na ang CIDG at Bureau of Customs CIIS-MICP laban sa economic saboteurs sa CALABARZON partikular sa Batangas. Inopereyt nila ang oil smuggling na nangyayari sa San Juan, Batangas.
Dalawang Intsik at 25 Pinoy ang natimbog sa operasyon kamakalawa. Kabilang sa mga nahuli ang mga truck driver na humahakot ng mga palusot na petroleum products mula sa laot ng Batangas na ikinakarga sa boat tanker patungo sa pier.
Pero pinalagpas ng CIDG ang iba pang buriki o paihi lords sa Batangas City. Bakit kaya? Siguro walang lagay sa kanila ang mga hinuli nila sa San Juan habang ang nasa Batangas City ay swak na sa listahan ng mga kinokolektahan nilang sindikato sa CALABARZON?
Say mo, CIDG Chief Nicolas Torre at BoC CIIS-MICP Chief Alvin Enciso?
***
Seryosong kinokonsidera ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang pagtakbong presidente sa 2028. Araguy!!!
Ang rason ni VP Sara: “I’m seriously considering running in the 2028 presidential elections dahil sa mga nakikita natin sa bayan natin na dapat ayusin, dapat baguhin. Kailangan maging competitive tayo sa mga kapitbahay natin dito sa ating rehiyon at sa buong mundo. Napag-iiwanan na ang Pilipinas, at ayaw natin yun.”
Walang kridibilidad si VP Sara para magsabi ng ganito. Una, bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa ginawa ng kanyang ama, ex-Pres. Rody Duterte kungsaan pinag-aaway nito ang malalaking bansa na tumutulong sa Pilipinas. Pangalawa, pinaboran ng kanyang ama ang mga Chine drug lord at prinotektahan ang mga korap nilang kaalyado; at higit sa lahat dapat magpaliwanag sa publiko si VP Sara kung paano niya nilustay sa loob ng 11 days ang higit P100m confidential funds; at kung saan dinala ng kanyang utol na si Cong. Pulong ang P51 billion sa unang 3 taon niyang pagiging mambabatas noong panahon ng kanyang ama. Period!