Advertisers
NAGTALA si Joel Embiid ng triple-double sa kanynag pagbalik sa court habang si Tyrese Maxey may double-double upang tulungan ang Philadelphia 76ers na kastiguhin ang Dallas Mavericks sa 118-116 Martes ng gabi sa Wells Fargo Center.
Nagtapos si Embiid ng 29 points,11 rebounds at 10 assists sa 36 minutong aksyon.Maxey nagdagdag ng 33 points at 13 assists,habang si Guerschon Yabusele nag-ambag ng 19 points para sa Philadelphia.
Kyrie Irving umiskor ng 34 points para sa Dallas,na nalipol ng Cleveland 144-101 sa kanilang first game matapos ipagpalit si Luka Doncic sa Los Angeles Lakers ngayong weekend.
Anthony Davis, ang centerpiece ng Doncic deal, ay patuloy na dumaranas ng abdominal injury. Max Christie umiskor ng 15 points sa kanyang debut sa Dallas.