Advertisers
PINANGUNAHAN ni ATEACHER Partylist nominee Virginia Rodriguez ang pamamahagi ng bigas, tubig at relief goods sa mga underprivileged families, mga magsasaka, mga guro at mga estudyante sa Maria Aurora, Aurora Province, bilang bahagi ng kanyang commitment na suportahan ang marginalized Filipino population.
“My mission is to assist those who are overlooked by the government. This initiative provides significant support, as these individuals are in dire need of food and belong to the most impoverished communities,” ani Rodriguez.
Katuwang ni Rodriguez si Maria Aurora Mayor Ariel S. Bitong sa distribusyon ng mga naturang ayuda para sa mga benepisyaryo.
Ayon kay Rodriguez, isa sa mga paraan upang makatulong na labanan ang kahirapan sa komunidad ay mag-donate ng pondo at magkaloob ng livelihood projects sa mga magsasaka at kanilang pamilya.
Nabatid na ang ATEACHER party list, na siyang napili ng karamihan sa mga mahihirap upang kumatawan sa kanila sa Kongreso, ay nagsusulong na makapagkaloob ng pondo upang maayos ang housing inequalities, education gaps, food insecurities at iba pa.
“This is a big help since these people really need education, jobs and food. They’re among the poorest of the poor,” dagdag pa ni Rodriguez.
Sa tulong ng mga local leaders sa Aurora, nagsagawa rin si Rodriguez ng Livelihood Programs na nakapokus sa pagbuo ng partnerships, pag-empower ng mga indibidwal at magsulong ng stakeholder accountability upang makapagtatag ng self-reliant at sustainable communities.
Sa pamamagitan ng mga inisyatibang ito, itinataguyod ng ATEACHER partylist ang pananaw na ang proyekto ay higit pa sa isang adbokasiya ngunit sa katunayan ay isang katuwang para sa kaunlaran.
Kabilang sa mga proyektong ipinatupad sa ilalim ng naturang Livelihood Program ay hair dressing, farming at iba pang agroforestry practices, hanggang sa pagtatatag ng mga kooperatiba sa small-scale trading.