Advertisers

Advertisers

Senator Francis “TOL” Tolentino, namahagi ng AICS sa Valenzuela

0 29

Advertisers

Mainit na tinanggap ng mga taga-Valenzuela City si Majority Floor Leader Senator Francis “TOL” Tolentino upang magbigay ng tulong sa mga mahihirap na residente sa Lungsod ng Valenzuela .

Nasa mahigit 1,200 ang nabiyayaan ng (AICS) Assistance to Individuals/in Crisis Situation (AICS)

Ito sa ilalim parin ng kanyang tuloy tuloy na programa kung saan kabilang ang mga PWD, Senior Citizen at mga kwalipikadong residente sa lungsod na ginanap sa Valenzuela City Amphitheater.



Katuwang ni Tolentino sa pamamahagi ng ayuda sina City Mayor Wes Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad Borja, mga Konsehales at mga Kapitan ng Barangay sa pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo ng lungsod.

Matatandaan na noong panahon ng pandemya, nakaranas ng matinding krisis ang bansa na nagresulta sa mataas na bilihin, konsumo ng kuryente , tubig at marami pang iba kaya naisabatas ng Senador ang programang “LITAW” (Liwanag, Internet, Tubig, Assistance at Welfare) katuwang ang Department of Social Welfare and Development para protektahan ang bansa at ginawang 3 gives ang bayarin sa Meralco.

Sa hiwalay na panayam ng media sa Senador, bagama’t hindi niya personal na kakilala ang humaliling Philhealth Chief, inaasahan niya na tututukan ang kapakanan ng kalusugan ng mga Pinoy sa bansa at magamit ng wasto ang kontribusyon na ibinibigay ng mga miyemro nito.(Beth Samson)