Advertisers

Advertisers

MAY TALANGKA SA UTAK SI RODENTE

0 103

Advertisers

HINDI namin alam kung anong uri ng talangka, o bubuli, ang pumasok sa utak ni Rodente Marcoleta nang sabihin niya na gawa-gawa lang natin ang konsepto ng West Philippine Sea. Umangalingawngaw ang akusasyon na isang taksil sa bayan, or traydor si Rodente Marcoleta sa kanyang inusal na mga kataga sa public hearing noong Martes. Hindi namin alam kung opisyal na kasapi si Rodente sa nagsisiyasat na Tri-Com.

“There is nothing [like the] West Philippine Sea. That is a creation by us,” ani Rodente. Kagyat siyang sinagot ni Commodore Jay tarriela, ang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa usapin ng West Philippine Sea. Ani Tarriela: “Hearing someone claim that the ‘West Philippine Sea’ is a mere fabrication of the Philippine government is a disservice and an embarrassment to their entire party, the organization they belong to, and even their own family.”

Hindi tuwirang tinawag ni Tarriela na isang Makapili si Rodente pero kung susuriin ang ibinagsak na salita, ganoon na rin iyon. Hindi niya naitago ang labis na pagkamuhi sa isang taksil sa bayan na nagtatago sa ilalim ng saya ng Iglesia Ni Cristo (INC), ang sekta ng mga taong sumusuporta sa mamamatay tao at mandarambong na ni Gongdi at mga alipores.



May konsepto ng “West Philippine Sea” sa desisyon ng United Nations Conference on the Law of the Seas (UNCLOS). Sa desisyon na inilatag ng UNCLOS noong 2016 kaugnay sa reklamo ng Filipinas sa pag-angkin sa halos kabuuan ng South China Sea at exclusive economic zone (EEZ) ng bansa, sinabi ng UNCLOS na walang batayan sa kasaysayan at international law ang pag-angkin ng China sa South China Sea at West Philippine Sea.

Tahasang sinabi ng UNCLOS na hindi totoo ang teoryang “Nine-Dash Line” bilang batayan ng pag-angkin na China sa 90% ng South China Sea at ilang bahagi sa West Philippine Sea. Para sa edukasyon ni Rodente Marcoleta, kinikilala opisyal ng UNCLOS ang West Philippine Sea at ang maritime entitlement ng bansa sa yaman dagat ng karagatang ito.

Ang hindi alam ni Rodente ay hindi kinikilala ng mga Nagkakaisang Bansa sa buong mundo ang teoryang Nine Dash Line ng China bilang batayan na pag-aari umano ng China ang halos kabuuan ng South Sea Sea at kahit ang ilang bahagi ng West Philippine Sea.

Sa maikli, ipinagtanggol ni Rodente ang China at tulad ni Gongdi, ipinahihina ni Rodente ang posisyon ng Filipinas sa isyu. Mahirap pagkatiwalaan si Rodente dahil sa ganang kanya, ang bansa pa ang gumagawa ng kabalbalan. Kandidato sa pagka-senador si Rodente.

Huwag iboboto si Rodente sa Mayo 12. Ang boto sa kanya ay boto sa China.



***

SA AMING kolum noong Martes, sumang-ayon kami sa paniniktik ng intelligence community sa mga naglipanang espiya ng China sa ating bansa. Karamihan sa kanila ay mga Intsik na itinanim ng China sa nakalipas na panahon lalo na noong panahon ni Gongdi. Ngunit tandaan na marami rin ang mga pulitikong Filipino na binili ng China. Mga kaalyado sila ni Gongdi.

Mapapansin na hindi sila nagsasalita pagdating sa usaping ng pag-aangkin ng China sa ating teritoryo at panunuwag ng Chinese Navy, Chinese Coast Guard, at Chinese militia sa ating mga sasakyan – Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at mga sasakyan ng pangingisda.

Hindi maririnig ang mga pulitikong tulad ni Bong Go, Bato dela Rosa, Francis Tolentino, Robin Padilla, Imee Marcos, Rodente Marcoleta, at ilang senador at kongresista na nagsasalita kontra China. Halos sambahin nila ang China sa kanilang pananahimik. Hindi natin sila kakampi at mukhang sa China ang kanilang puso at damdamin.

Tandaan natin ang kanilang pangalan at huwag ihahalal sa Mayo 12.

***

MGA PILING SALITA: “CHINA is the source of cheap goods that destroyed our manufacturing sector and illegal drugs that have been destroying our youth.” – PL, netizen, kritiko

“Ano ba ang napapala natin sa mining? Sinisira ang anyo ng bundok at kapatagan. Iniiwan ng ilang panahong tiwangwang ang lugar, binabaha at gumuguho sa kaunting ulan. Nilalason ang katubigan. Ang masaklap, pinapahalagahan pa ng mga mining companies ang proposed 10% mining tax.” – Ellen Sicat, netizen, kritiko

“There is no such thing as responsible mining. It’s an oxymoron, a way of expression that combines two words with contrasting meanings. All mining operations are essentially irresponsible. They are destructive and most mining companies don’t care. If you do some cost benefit benefits, the State and the people lose heavily in most mining operations. Hence, responsible mining is merely an illusion. Very far from truth and reality.” – PL, netizen, kritiko

***

POST ko ito noong 2022 nang may isang mambabatas na nagpanukala ng bagong batas na bigyan ng pension ang mga dating pangulo:

We don’t need a law giving some perks and even pensions to former presidents. They don’t need it. It is a superfluity.

Just a brief history. The U.S. has this kind of policy because of Harry Truman. When he finished his term of office as president in 1952, Truman returned and retired in a house in his hometown of Independence in Missouri. It was learned that Truman did not own the house. It belonged to his father-in-law, who was glad to have his family stay there.

Ironically, Truman, despite being a relatively successful politician (he became a senator, vice president, and president), could not provide a house for his family.

As a politician, Truman was straight as an arrow. Hindi magnanakaw kahit eight years siya sa White House. Truman had to write a book about his memoirs so that he could have his own money.

Lawmakers did not like the idea of having a poor former president, a destitute who did not have a steady income. So they passed a law giving a pension to any former president.

Dito sa atin, hindi nila kailangan ang ganyan… Lahat sila sobra ang yaman dahil sa pagnanakaw. They can live 20 lifetimes and their hidden wealth would be more than enough… Hindi nila mauubos iyan…