Advertisers

Advertisers

MILF party coordinator tinodas

0 6

Advertisers

NASAWI ang local coordinator ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pinakabagong insidente ng pagpaslang sa Maguindanao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Misuari Sanday Unos, 45 anyos, political coordinator ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), ang political party ng MILF.

Sa ulat, sakay ang biktima ng isang motorsiklo nang barilin ng riding in tandem, 7:00 ng umaga nitong Lunes, Pebrero 3, sa Buluan.



Sa ulat, residente si Sanday ng Pandag, Maguindanao del Sur, na namatay on the spot dahil sa mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

“I appeal to our law enforcement agencies to address the rash of killings in the province as soon as possible,” pahayag ni dating Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu, ang kandidato sa pagka-gobernador ng UBJP sa probinsya.

Hindi pa matukoy kung may kinalaman sa paparating na eleksyon ang pagpatay sa kanyang field coordinator.