Advertisers

Advertisers

FLM: TULOY ANG TULONG!

0 6

Advertisers

MATAPOS ang kanyang supreme sacrifice na pag-withraw ng kandidatura ni winnable senatoriable Francis Leo Marcos, mas relax na ngayon ang binansagang pandemic hero lalo na’t naunawaan na siya ng milyones niyang supporters na handa na sanang magluklok sa kanya sa Senado.

Nanaig kasi ang kapakanan ng bayan keysa pansariling ambisyon na maging isang mambabatas ng Mataas na Kapulungan ng August Chamber pagdating ng tamang panahon.

Di niya maatim ang daan -daang milyones na malulustay para idagdag lang ang kanyang pangalan matapos ipag-utos ng Korte Suprema sa pamamagitan ng TRO na itigil ang imprenta upang bigyang- daan si FLM na naunang dineklarang nuisance candidate n Comelec ang isang sikat na kandidato na isang Marcos pa mandin.



Aniya ay mas nanaisin pa niyang pakinabangan ng mamamayan kung saan man magagamit ang malulustay sanang pera ng bayan.

Tuloy naman ang kanyang pagtulong lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan partikular ngayong hindi na siya abala sa pangangampanya para senador sana ng Pilipinas.

Pokus muli siya sa pagiging pilantropo at lumilibot sa buong kapuluan para sa kanyang humanitarian mission.

Maigsi lang ang tatlong taong paghihintay kaya pagdating ng 2028 national presidential elections ay tiyak nang may uupong Senador ng Republika ng Pilipinas( di na niya hahayaang ulitin pa ng poll body ang pàgdiskwalipika sa kanyang kandidatura) na subok sa paglilingkod sa kabayan at tiyak na di magpapayaman dahil kung salapi ang pag-uusapan ay napakalalim ng kanyang balon na hidi matutuyuan kailanman,FLM…ABANGAN!!!

Gayunpaman, hiling ni FLM sa kanyang supporters na ibigay na lang ang boto sana para sa kanya kay reelectionist lady senator Imee Matcos.



” Vote her for me!’; sambit ni Dr. Francis Leo Antonio Marcos PhD De Hum Honoris Causa!