Advertisers

Advertisers

Andrea excited na sa pagpasok sa ‘Batang Quiapo’; Marvin dinetalye ang pag-isnab sa wedding day ni Jolina

0 44

Advertisers

Ni Beth Gelena

IPINAKITA ni Mariel Padilla ang suot niya sa selebrasyon ng World Hijab Day kasama ang pamilya.

Aniya, mahigit 10 taon na raw siyang nagpa-participate sa nasabing event.



Pero ngayon lang daw siya nakita ng mga kaibigan na nakasuot ng hijab.

Along with photos where she and her daughters were wearing a hijab, she also shared pics from the birthday celebration of Alex and Toni Gonzaga.

***

NAGPALIWANAG si Marvin Agustin kung bakit hindi pumunta sa kasal ni Jolina Magdangal nang ikasal siya kay Mark Escueta noong 2011.

Guest si Chef Marvin at Jolens sa YouTube Channel ni Karen Davila.



Natanong ang aktor.kung bakit hindi siya naka-attend sa special day ng kanyang kalabtim.

Esplika ni Marvin, “Why didn’t you go to her wedding?”

Esplika niya, imbitado naman daw siya.

“I actually chose really not to go to her wedding. It was really my decision not to go even in-invite talaga ko ni Jolina.”

“I wanted to respect yung ceremony. Kasi masyado yung clamor nun ng tao na kami yung magkatuluyan, [na] ‘sana kayo.’

Patuloy niya, “Wedding yun ni Mark at tsaka ni Jolina. Pag pumunta ko dun, baka ma-teary eyed ako, eh sobrang saya ko para sa kanila. Baka isipin nila, ang lungkot ko, maging negative yung energy pa.”

Ayaw daw naman niyang mang-agaw ng eksena

“I don’t want to steal an inch or a little whatever moment that you know, for the couple supposedly.”

Ang tambalang Jolina at Marvin ay isa sa hottest labtim ng 1990s.

Kahit nagtapos na ang kanilang tambalan at nag-mature na sila ay nanatili pa ring magkaibigan ang dalawa.

May comeback reunion movie na ipalalabas ang MarJo sa February 12.

***

WALONG AKTRES MAGLALABAN SA BEST ACTRESS CATEGORY SA 38TH PMPC STAR AWARDS

MAGLALABAN-laban sa 38th PMPC Star Awards for TV ang mga mahuhusay na aktres para sa BEST DRAMA ACTRESS.

Sina Andrea Brillantes (Senior High), Barbie Forteza (Pulang Araw) Bea Alonzo (Widows War), Belle Mariano (Can’t Buy Me Love), Jennylyn Mercado (Love Die Repeat), Jodi Sta. Maria (Lavender Fields),

Kim Chiu (Linlang) at Marian Rivera (My Guardian Alien).

Speaking of Andrea, inanunsiyo na ng aktres na magiging parte siya sa primetime series ni Coco Martin, ang FPJs Batang Quiapo.

Masaya si Blythe sa sunud sunod na blessings na dumarating sa kanya.