Advertisers
NASAWI sa helicopter crash si Julia Flori Monzon Po, anak ng bilyonaryong si Archie Po, noong Sabado sa Nueva Ecija.
Sa ulat, pabalik na ng Maynila ang 25 taon gulang na si Po matapos ihatid si Senador Bato dela Rosa sa Baguio City.
Bumagsak ang Robinson R44 light helicopter 5:00 ng hapon sa Barangay San Miguel, Guimba.
Bago lumipad mula sa Binalonan, Pangasinan, dalawang oras umanong nahirapan si Po dahil sa mga isyu sa ma-kina.
Lumalabas sa initial assessment na engine failure ang dahilan ng pagbagsak ng helikopter.