Advertisers

Advertisers

Binatilyo kritikal sa mineral water na may lamang asido

0 9

Advertisers

NASA maselang kondi-syon sa ospital ang 13-anyos na lalaki nang laklakin ang asido na inakalang mineral water sa bahay sa Antipas, Cotabato.

Kuwento ng kapatid nitong si Maryjane Langcuban, dinampot ng biktima ang bote ng mineral water nang kumain ng hapunan at dahil abala sa hawak na cellphone, hindi nito napansin na asido na ginagamit sa rubber cup lumps pala ang laman nito.

Ayon sa kapatid, agad namaga ang bibig at lalamunan ng binatilyo at nangisay habang bumubula ang bibig.



Nagtulong-tulong ang mga residente sa lugar upang pumasok siya sa ospital at nga-yon ay kritikal ang kanyang kalagayan.

Nakatakdang ilipat sa Cotabato Regional Medical Center ang pasyente dahil sa maselan nitong kalagayan habang nanawagan ang pa-milya nito ng tulong pinansiyal para sa pagpapagamot sa pasyente.