Advertisers

Advertisers

COL. ALEGRE, COL. SIBALO ‘UNTOUCHABLES’ SA PBBM ADMIN!

0 1,267

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

DAHIL sa pagiging malambot sa pagdidisiplina sa mga pinunong ipinuwesto na hindi ginagawa ang kanilang trabaho, lalo na sa hanay ng law enforcement ay bumababa ang rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, ayon sa Region 4A based anti-crime and vice crusaders group.

Sinabi ng mga opisyales at miyembro ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), maraming nabigyan ng posisyon sa gobyernong Marcos, matapos italaga sa puwesto ay hindi ginagawa ang mandato na karamihan ay opisyales ng Philippine National Police (PNP) gaya nina Cavite Police Provincial Director, Colonel Dwight Alegre; at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional 4A Field Unit Chief, Col. Emerick Sibalo.



Sina Col. Alegre at Col. Sibalo ay tinatawag ng MKKB na “untouchables” na tila binebeybe pa ng kasalukuyang gobyerno sa kabila ng kahinaan ng kanilang pamumuno na ipatupad ang umiiral na batas laban sa lawless elements na lantaran ang operasyon sa kanilang area of jurisdiction tulad ng illegal gambling, fuel theft o paihi/buriki at iba pang uri ng krimen.

Ayon sa MKKB, sina Col. Alegre at Col. Sibalo ay tulad din ng ibang police officials na may mga “bagyong backer” sa palasyo kaya hindi kumikilos at maaaring takot sina PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil; at Police Regional Office 4A Director, Gen. Paul Kenneth Lucas, na sila’y alisin sa pwesto.

Garapalan ang operasyon ng illegal vices, lalo na ang bookies ng EZ2, pick 3, Small Town Lottery (STL) at Peryahan ng Bayan (PnB) ng drug lord na si “Jun Toto”, “Nita Kabayo” at “Kap Abner” sa Dasmariñas City at iba pang siyudad at bayan sa lalawigan ni Gov. Athena Bryana Tolentino.

Talamak din ang mga sakla joint sa mga bayan ng Magallanes, Mendez, Maragondon, Ternate, Naic, Bailen, Bacoor, Dasmariñas City; sa mga barangay at sabungan at iba pang lugar sa naturang lalawigan ngunit walang hakbang laban dito si Col. Alegre.

Sina Hero, Eric, Elwyn, Joji, Alma, Dencio Nani, Maricon, Ewang ang mga operator ng mga saklaan na may shabuhan sa nabanggit na mga bayan at siyudad.



Sina Hero at alyas Ka Minong ang kolektor pa ng tongpats o lingguhang intelhencia para sa pangalan ni Col. Alegre mula sa mga ilegalista, kaya’t sa halip na masugpo ang mga iligal na ito ay lalong naging lantaran ang operasyon sa buong lalawigan.

Bukod sa laganap na operasyon ng bookies at sakla, lantaran din ang pasugalan sa tradisyunal na karnabal o peryahan, ngunit front ng mga ilegal na card at table games tulad ng color games, drop balls at higit na matindi ay bentahan ng shabu ng mga gambling maintainer na nabigyan ng Permit to Operate Carnival/Peryta ng mga municipal at city mayor. Hinihinalang “namamantikaan ang nguso” ng ilang alkalde at LGU ng salaping mula sa operasyon ng sugal na may shabuhan.

Ayon pa sa MKKB, hindi rin masugpo ni Col. Alegre ang matagal nang inireklamong operasyon ng paihi/buriki ng isang Amang at sindikatong Violago group sa Brgy. Bancal sa siyudad ni Carmona Mayor Dahlia Loyola, at lalong naging lantaran ang operasyon.

May 30 pergalan na nag-o-operate sa AOR ni Col. Alegre. Ilan dito ay tinukoy ng MKKB na pinatatakbo ni Lody sa Brgy. Biga, Tanza; Ramil sa Silang; Michael sa Brgy. Sabang, Naic; at Tetet sa Brgy. Paliparan, Dasmariñas City.

Tengang kawali rin sa mga kailegalang nabanggit si Col. Sibalo lalo sa operasyon ng paihi/buriki ng grupo nina “Rico Mendoza”, “Etring Hidalgo” alyas “Payat” at “Efren” sa mga Brgy. Banaba West Bypass Road, at Brgy. Banaba South Bypass Road sa Batangas City. Isang opisyal ng Batangas PNP Command ang itinuturo na kapitalista ng grupo nina Mendoza.

Isang alyas Balita ang nag-o-operate din ng paihi/buriki ng produktong petrolyo at nagpapaawas/pasingaw ng LPG sa kanyang beach resort sa Brgy, Simlong ng naturan ding siyudad.

Hindi rin umaaksyon si Col. Sibalo sa garapalang operasyon ng may 50 pwestuhan ng sakla nina Russel, Ornok at Pat Lopez sa Lipa City pati na sa mga barangay at sabungan sa bayan ng Rosario; puesto pijo sugalan sa pergalan nina Onad at Rommel sa Brgy. Talisay, Sabang sa Lipa City; at sa likod ng Sto. Tomas City Public Market.

Ibinabando nina Onad at Rommel na may permit na iniisyu sa kanila sina Lipa City Mayor Eric Africa at Sto. Tomas City Mayor Arth Jun Marasigan upang makapagpasugal?

May mini casino rin sa tabi ng Lian Public Market ang mga kaalyado ni Mayor Joseph Peji; pergalan ni Boyet sa Brgy. Pansol, Padre Garcia; Janog sa bayan ng Tuy; Cedie sa Brgy. Bilaran, Nasugbu; at Arnel sa bayan ng Calatagan.

Laganap din ang operasyon ng may 100 STL bookies, mga pergalan at puesto pijo sugalan sa Biñan City, Sta, Rosa City, Calamba City at iba pang lugar sa lalawigan ni Gov. Ramil Hernandez; bookies ng PnB ni John Yap at lotteng ni Sola sa buong probinsya ng Rizal at video karera sa mga bayan ng Taytay at Cainta sa nasabi ring probinsya at sa iba pang lalawigan sa CALABARZON na pawang ‘di rin naaksyunan ni Col. Sibalo.