Advertisers

Advertisers

Fake news pa more mula sa desperadong kandidato, UdM biktima!

0 29

Advertisers

FAKE NEWS pa more mula sa desperado at walang kahihiyang kandidato gamit ang mga inosenteng mag-aaral mula sa panibagong city-run university.

Ganito inilarawan ni Manila City Administrator Bernie Ang ang panibagong serye ng fake news na naka-post sa social media at pinapalabas na ginawa sa Universidad de Manila (UDM).

“Katatapos lang ng pekeng survey sa city employees at PLM. Ngayon UdM naman. Ano susunod? MPD? Barangays? SK? Mahiya naman kayo,” pahayag ni Ang, matapos na tawanan ang lamang ng may kagagawan ng survey sa kanyang mga kalaban na imposible at klarong senyales pagka-desperado.



Tahasan namang itinanggi ng UdM sa pamumuno ni Dr. Felma Carlos-Tria bilang Presidente ang lumabas sa social media at sinabi na isa itong ‘fake news’ na pumapabor sa political rival ni incumbent Mayor Honey Lacuna.

Ayon kay Tria, may umiiral na non-partisan policy ang UdM kung saan. ‘di pinapayagang sumali ang kahit na sinong mag-aaral sa kahit na anong surveys. Idinagdag pa nito na kahit sabihin na walang ganung policy, wala ring isinagawang survey sa mga mag-aaral ng pamantasan.

Sa isang opisyal na pahayag sinabi ng pamantasan na: “UdM is dedicated to being a non-political academic institution that values integrity, academic excellence and the well-being of its community members.

“Recent surveys circulating online that claim to reflect the political views of UdM students are not approved by the university and are not conducted by any recognized student organization. As a non-partisan educational institution, UdM does not permit anyone to carry out political surveys among its community members,” ayon sa UdM.

Itinanggi din ng UdM Supreme Student Council na walang sinumang mag-aaral ng UdM ang lumahok sa kahit na anong survey, ito ay kapareho din ng ginawa sa PLM kamakailan na pareho din ang pakay. (ANDI GARCIA)